^

Punto Mo

Sa mga nag-aambisyong maging presidente, lumantad na kayo!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT nang lumantad ang iba pang nag-aambisyon na maging presidente ng bansa.

Ito ay matapos eendorso ni President Noynoy Aquino si DILG secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng administration sa 2016 elections. Sa ngayon, dalawa na ang lumalantad na aspirante, una ay si Vice President Jejomar Binay at ngayon nga ay si Roxas.

Dapat ay magdesisyon na rin sina Senators Grace Poe, Bongbong Marcos at Davao City Mayor Rody Duterte kung sila ba ay kakandidatong presidente.

Kung magdedeklara na sila, maaga nilang mailalatag sa publiko ang kanilang mga balakin at plataporma upang mabusisi ng taumbayan.

Bagamat sa Oktubre pa ang paghahain ng certificate of candidacy, dapat ilantad na sa publiko ang mga intensiyon ng pulitiko.

Dapat ay matuto na rin ang mga botante na huwag pagbatayan ang mga survey kung sino ang mga popular na kandidato.

Marami na tayong naihalal na popular at kapalpakan naman ang ginawa sa puwesto kaya naman nagpapatuloy ang karalitaan sa bansa.

Piliin ang kakayahan ng isang kandidato na pamunuan ang bansa kahit hindi popular.

Hindi ko malilimutan ang sinabi ng yumaong Comedy king Dolphy na marami raw ang humihikayat sa kanya na kumandidato dahil popular siya at malamang na manalo. Sabi ni Dolphy, madali ang manalo sa eleksiyon pero ang mahirap ay kung paano nya gagampanan nang tama at maayos ang tungkulin para masulit ang ibinigay na tiwala ng taumbayan.

Sana, ganito ang lahat ng mga popular na hindi basta-basta ginagamit ang kasikatan para sumuong sa gobyerno na wala namang malinaw na kaalaman at kakayahan.

ANG

BAGAMAT

BONGBONG MARCOS

DAPAT

DAVAO CITY MAYOR RODY DUTERTE

DOLPHY

ITO

MAR ROXAS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SENATORS GRACE POE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with