^

Punto Mo

Sari-saring gamit sa Aloe vera

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ALOE VERA o sabila ang tawag nang marami. Kumuha ng stem, tanggalin ang skin  upang ma-expose ang gel/juice. Ito mismo ang ikuskos sa affected area. Narito ang maraming gamit ng sabila:

Pampalambot ng balat. Ikuskos sa buong katawan bago maligo. Hayaang nakababad sa katawan ng ilang minuto saka maligo.

Gamot sa paso o tilamsik ng mantika.

Ikuskos sa nabugbog na bahagi upang hindi mangitim.

Nakakaalis ng hapdi sa sunburn.

Iaplay sa kagat ng insekto upang hindi kumati.

Iaplay sa mga skin rashes na hindi alam ang pinagmulan.

Sa nagpuputok na talampakan. Paghaluin ang one-half cup ng oatmeal; 4 kutsarang aloe vera gel or juice; one-half cup ng baby lotion. Ang mixture ang laging imasahe sa talampakan matapos maligo at bago matulog. Mas mainam na magsuot ng medyas sa pagtulog para mas effective. Magaling na moisturizer dahil mas mabilis kumapit sa balat.

Nakakagaling ng athlete’s foot.

Ipahid sa blisters.

Subukan sa acne.

Nakakaalis ng pangangati dulot ng eczema at psoriasis.

Nakakatuyo ng warts.

Nakakaputi ng dark spots sa balat.

Pampakapal ng buhok. Imasahe sa anit ang aloe vera gel. Hayaang nakababad ng 30 minutes. Banlawan ng tubig ang anit.

Nagsisilbing conditioner ng buhok.

Gamiting pantanggal ng eye makeup upang hindi maging dry ang paligid ng mata.

ANG

BANLAWAN

GAMITING

GAMOT

HAYAANG

IAPLAY

IKUSKOS

IMASAHE

IPAHID

ITO

NAKAKAALIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with