^

Punto Mo

Pinakamalaking hilahan ng lubid sa buong mundo, ginaganap sa Okinawa taun-taon

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG Naha tug of war ay isang paligsahan na ginaganap taun-taon sa bayan ng Naha sa Okinawa, Japan.

Tinatayang nasa 27,000 katao ang lumalahok sa paligsahan na ito taun-taon. Bukod sa dami ng tao ay napakalaki rin ng lubid na ginagamit na aabot sa 40 tonelada ang bigat. Ito ang mga dahilan kung bakit noong 1997 ay tinanghal ito ng Guinness World Records na pinakamalaking hilahan ng lubid sa buong mundo.

Maghihilahan ang mga kalahok matapos ang isang martial arts exhibition na ritwal na  naghuhudyat ng pagsisimula ng hilahan ng lubid. Matapos ang ritwal ay magsisimula nang maghigitan ng lubid ang dalawang panig. Mananalo ang koponan na na­gawang mahila ang lubid sa layong 15 metro. Kung wala namang ma­kagawa nito ay mananalo ang panig na nagawang mahigit ang lubid ng mas malayo sa loob ng 30 minuto.

Kadalasang iniuuwi ng mga kalahok ang bahagi ng lubid na kanilang hinihigit bilang good luck charm kaya madalas ay may dalang mga panggupit ang mga lumalahok.

Noong ika-17 siglo pa unang ginanap ang mala­kihang hilahan ng lubid sa Naha. Gina­gawa ito bilang pagsasaya tuwing panahon ng ani. Ngayon ay isa nang modernong siyudad ang Naha ngunit ipinagpapatuloy pa rin nila ang nakagawian na ito bilang bahagi ng kanilang tradisyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

GINA

GUINNESS WORLD RECORDS

ITO

KADALASANG

LUBID

MAGHIHILAHAN

MANANALO

NAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with