Panaginip

… na nagpabago ng takbo ng buhay ng mga tao

Frederick Banting

Ang Canadian doktor na si Frederick Banting ay naging interesado sa pag-aaral ng sakit na diabetes dahil ito ang ikinamatay ng kanyang ina. Noong panahong iyon ay wala pang natutuklasang gamot para sa diabetes.

Sa napanaginipan ni Frederick, inooperahan niya ang diabetic na aso. Tinalian niya ang pancreas nito upang hindi dito dumiretso ang sustansiya mula sa pagkain. Nang sumunod na gabi ay nanaginip muli siya na parang continuation ng napanaginipan niya nang nakaraang gabi. Sa panaginip na ito nagkaroon ng ideya ang doktor tungkol sa insulin. Hindi  binubura ng insulin ang sakit ngunit nakakatulong upang mapahaba ang buhay ng pasyente.

Elias Howe

Noong panahong iyon ay may makinang pantahi ng damit pero hindi magamit nang maayos dahil wala pang nakakaisip kung paano ikakabit ang karayom at sinulid.

Isang gabi ay napanaginipan niyang nasa isa siyang lugar na may malupit na hari. May ibinigay na makinang pantahi ang hari sa kanya at inutusan siyang lagyan iyon ng karayom para bumilis ang pagtahi ng damit. Binigyan siya ng 24 oras para mag-isip. Kamatayan ang kapalit kapag nabigo siya sa ipinagagawa. Sa kasamaang palad ay hindi niya nagawang lagyan ng karayom ang makina kaya lumabas ang berdugo para siya patayin. Nakita niya na ang ipangsasaksak sa kanya ay isang matulis na bakal na may butas sa dulo. Doon siya nagkaroon ng ideya. Hindi siya pinatay sa panaginip.

Kinaumagahan, dali-dali siyang nagpunta sa kanyang shop at kaagad bumuo ng karayom na may butas sa matulis na bahagi nito. Dito niya pinadaan ang sinulid. Pinag-aralan niya kung paano ito ikakabit sa mismong makina. Pagkaraan ng ilang araw nabuo niya ang pinakaunang makinang pantahi  na nakagagawa ng lockstitch design.

(Itutuloy)

Show comments