^

Punto Mo

Bakit kapag pulubi ang nagnakaw…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG pulubing nagnakaw ng pagkain sa kusina ng kaharian ang sinentensiyahan ng Hari na pugutan ng ulo. Bago pugutan ay binigyan  ang pulubi ng pagkakataong magsalita. Sabi nito — Mahal na Hari, ako ay may mahiwagang buto ng ubas na pagkatapos itanim ay tumutubo kaagad  at namumunga sa loob lang ng 24 oras. Gusto kong ibigay ito sa inyo bago ako mamatay upang mapakinabangan.”

Kinuha ng hari ang buto pero may habilin ang pulubi — ang puwedeng magtanim ng butong ‘yan ay isang taong kahit kailan ay hindi kumuha ng bagay na hindi sa kanya. Kaagad iniabot ng Hari ang buto sa kanyang ministro dahil minsan daw ay kinuha niya ang isang diyamanteng nakadikit sa korona ng kanyang amang hari noong siya ay prinsipe pa lang. Pero tatay naman niya ang may-ari ng korona at hindi ibang tao.

Tumanggi ang ministro dahil minsan daw ay kinuha niya ng walang paalam at inangkin ang gintong espada ng kanyang kaibigan kaya ipinasa niya ang buto sa financial officer ng palasyo.

Tumanggi ang financial officer. Ipinagtapat nito na minsan daw ay kinupitan niya ang pondo ng palasyo. Nabigla man sa pagtatapat ng kanilang ‘baho’ ay ikinatwiran ng tatlo na hindi naman sila magnanakaw. Ginawa lang nila ‘yun bilang katuwaan.

Nangingilid ang luha ng pulubi — Malaking bagay ang inyong ninakaw pero hindi kayo naparusahan bakit ako na nagnakaw ng konting pagkain dahil sa sobrang gutom, bitay kaagad ang katapat? Kapag pulubi, nakaw ang tawag pero kapag nasa puwesto ang gumawa ng pagnanakaw, katuwaan lang?

Walang nangyari sa panawagan ng pulubi. Itinuloy pa rin ang pagbitay dito. Gutom man o hindi, krimen pa rin ang kanyang ginawang pagnanakaw, giit ng Hari. At wala siyang balak humingi ng paumanhin sa kanyang nasasakupan tungkol sa nabistong ninakaw niyang diyamante sa korona ng ama.

ACIRC

ANG

GINAWA

GUTOM

HARI

HINDI

IPINAGTAPAT

ITINULOY

KAAGAD

KAPAG

TUMANGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with