1. Mainam ang pagkain ng buto ng kalabasa para sa mga may “enlarged prostate”.
2. Para maging normal ang “flow” ng menstruation — kumain ng green papaya, ’yung inilalagay sa tinola. O, kaya, ’yung papayang medyo nahihinog pa lang at isinasawsaw sa suka.
3. Para sa sobrang lakas “duguin” kapag may menstruation — kumain ng nilagang bulaklak ng saging pagkatapos ay uminom ng isang basong gatas. Karaniwang ginagamit na panghalo sa Chinese adobo ang bulaklak ng saging o sa humba. Ang humba ay kahawig ng pork adobo pero manamis-namis ang timpla.
4. Pahiran ng olive oil ang gilagid ng sanggol kapag nagsisimula na itong tubuan ng ngipin. Nakakaginhawa ito sa nangangati niyang gilagid.
5. Constipation — uminom ng prune juice o kumain ng sariwang kamatis na isinawsaw sa asin. Mas effective kung kakain o iinom nang walang laman ang tiyan. Pansamantalang iwasan muna ang pagkain ng saging.
6. Panic attack o nerbiyos — nakakatulong ang pag-inom ng vitamin B complex; iwasan o bawasan ang pagkain na mayaman sa carbohydrate; huwag gumamit ng refined sugar (puting asukal). Makabubuting gumamit ng honey, brown sugar, muscovado sugar. Iwasan ang kape at iba pang inuming mataas ang caffeine.
7. Apple cider vinegar para sa arthritis pain — Paghaluin ang isang kutsaritang apple cider vinegar, honey at isang tasang tubig. Mas epektibo kung iinumin bago kumain.