^

Punto Mo

EDITORYAL – Kaligtasan ng mga pasahero ang laging iprayoridad

Pang-masa

DAGSA ang mga pasahero sa bus terminal, pier at airport. Ngayong araw na ito at hanggang bukas, inaasahan pa ang pagdating nang maraming pasahero na uuwi sa probinsiya para sa paggunita ng Semana Santa. Pinakamarami pa rin ang sumasakay sa bus sapagkat mas mura at mas ligtas pa rin kumpara sa iba pang uri ng transportasyon.

Para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero, isa-isang ininspeksiyon ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus sa Araneta Bus terminal sa Quezon City. Wala silang pinalampas. Pati ang bus na nagpa­palabas nang malaswa sa TV ay kinastigo.

Nararapat naman na iprayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero. Kailangan ang masusing pag-iinspeksiyon sa mga bus para matiyak na gumagana ang preno, hindi kalbo ang mga gulong, may sapat na ilaw, hindi lasing ang driver o kaya ay nagdodroga. Hindi dapat hayaang makapagmaneho ang mga driver na lasing. Ilalagay nila sa panganib ang buhay ng mga pasahero.

Marami nang pangyayari na naaaksidente ang bus sapagkat kasalanan ng driver. Lumalabas na walang kasanayan ang driver kaya naaaksidente. Mayroong nahuhulog sa bangin at maraming pasahero ang namatay. Napakalungkot na pangyayari sapagkat magbabakasyon lamang ang mga pasahero pero inihulog sila sa bangin ng driver na wala palang kasanayan sa pagmamaneho sa lugar. Ilang pampasaherong bus na ang nahulog sa bangin dahil sa human error. Mayroong driver na kahit palusong ay nasa mataas na gear. Dahil sa bilis ng bulusok hindi na makontrol ang bus. Hanggang sa mahulog na sa bangin. Kawawang mga pasahero na namatay dahil sa kasalanan ng driver. Magkaroon ng matinding pag-iinspeksiyon sa mga bus.

Bukod sa bus, ang mga barko ang isa pa sa mga paboritong sakyan ng mga pasahero. Marami nang paglubog ng barko ang nangyari at dahil ito sa overloading. Ang M/V Doña Paz na binangga ng M/T Vector noong 1987 ay sinasabing punumpuno ng pasahero kaya maraming namatay.

Laging iprayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero. Magkaroon na ng aral sa mga nakaraang trahedya.

ANG

ANG M

ARANETA BUS

BUS

DRIVER

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAGKAROON

MARAMI

MAYROONG

MGA

PASAHERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with