Manong Wen (249)

ARAW nang paglabas sa ospital ni Tatang Nado. Isa si Jo sa mga abala sa pagsundo sa matanda. Hindi nakasama sina Princess, Precious­ at Mam Diana sapagkat may mahalagang inaasikaso.

Masayang-masaya si Tatang­ Nado.

“Saan ba tayo uuwi, Violy­?’’

“E saan pa e di sa bahay natin?’’

“Sa Paco?’’

“Oo naman. Yun lang naman­ ang bahay natin.’’

“Akala ko magmo-motel muna tayo.’’

“Bastos ka talaga. Hindi ka na nahiya kay Jo.’’

Sumagot naman agad si Jo. “Okey lang Mam Violy. Sanay po ako sa ganyan.’’

“Oo nga. Wala namang masama kung sa motel magpunta. Masyadong conservative itong asawa ko ano, Jo.”

Nagtawa lang si Jo at may sinabi sa mag-asawa. “Kung gusto n’yo e di sa bahay ko sa Makati kayo tumira. Dun sa tinirahan mo Tatang. Di ba malaki ang bahay ko. Kasyang-kasya tayo. Para masaya di ba?’’

“Huwag na, Jo. Sa Paco na kami tutuloy ni Nado. Eto kasing si Nado puro biro kaya ayan, nag-alok tuloy si Jo.’’

“Sige sa Paco na lang kami. Pero isang araw, pupuntahan ka namin Jo.’’

“Kahit anong oras, Tatang Nado.’’

Maya-maya pa ay lumabas na sila ng ospital. Habang nasa sasakyan ay yakap ni Tatang Nado si Mam Vio­ly. Sabik na sabik ito sa asawa.

Nang duma­ting sila sa bahay sa Paco ay hindi na nagtagal si Jo. Kaila­ngang magpahinga si Tatang Nado. Nangakong babalik si Jo kasama sina Princess.

KINABUKASAN, ma­agang nagising sina Tatang Nado at Mam Violy. Naka­bihis sila. Guwapung-guwapo si Tatang Nado at magandang-maganda si Mam Violy.

Nagtaka ang anak na si Noime.

“Saan kayo pupunta, Mama, Papa?”

“Magsisimba.”

“Parang magdedeyt kayo, ha-ha-ha!’’

“Pagkatapos naming magsimba, deretso sa pagde­deyt, he-he!”

(Itutuloy)

Show comments