^

Punto Mo

Manong Wen (247)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABILIS ang reco-very mo Papa,” sabi ni Noime makaraang yakapin si Tatang Nado.

“E kasi’y dahil sa inyo ng mama mo. Maligayang-maligaya ako dahil pinatawad ninyo ako. Kahit nakagawa ako nang malaking kasalanan, pinatawad n’yo pa rin ako.’’

“Panahon na para tayo magsama-sama Nado. Kailangang malasap naman natin ang mga nalalabi pang mga taon ng ating buhay bilang mag-asawa.’’

“Oo nga Papa at saka isa pa, talagang ipinakita mo sa amin na handa kang magbuwis ng buhay. Kahit na may baril ang lalaking iyon, hindi ka natakot.’’

“Masama naman talaga ang taong iyon. Nasubaybayan ko kung paano hinihingian ng pera ang mama mo. Noong una ay nagtataka ako kung bakit laging nagtutungo ang lalaki sa tindahan, yun pala nanghihingi na ng pera.’’

“Para raw kay Colonel,” sabi naman ni Mam Violy.

“Dapat pati ang Colonel na sinabi ng lalaki ay dapat dakpin at ikulong,’’ sabi ni Tatang Nado.

“Siya ang pag-usapan naman natin ay ang pagbabakasyon,” sabi ni Noime.

“Aba mabuti at nabanggit mo ‘yan, Noime. Sabi ko kay Papa mo, magbakasyon kami sa Boracay o Baguio.’’

“Bakit hindi abroad --- sa Bangkok o Hong Kong. Ako ang bahala sa gastos.”

Natuwa si Mam Violy.

Binalingan si Tatang Nado.

“Ano Nado, pagmaga­ling na magaling ka na, abroad tayo.’’

“Sige Violy. Pero isama natin si Noime para masaya tayo.’’

“Sige Papa. Gusto ko nga na magkasama tayo habang nasa abroad. Matagal ko nang pangarap na sama-sama tayo.’’

Napaiyak si Mam Violy.

Makalipas ang isang oras, dumating sina Jo, Princess, Mam Diana at Precious.

Masaya ang pagkikitang iyon.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO NADO

HONG KONG

KAHIT

MAM DIANA

MAM VIOLY

NOIME

SIGE PAPA

SIGE VIOLY

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with