^

Punto Mo

Pinakamalaking pagi sa mundo, 14 feet ang haba

- Arnel Medina - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG dambuhalang pagi (stingray) na nahuli sa Thailand ang sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.

Ang pagi, na tinatayang aabot sa 14 talampakan ang haba, ay nahuli sa Maeklong River sa Thailand ng Amerikanong si Jeff Corwin na isang conservationist o isang kumikilos para pangalagaan ang kalikasan.

Dalawang oras ang inabot ng grupo ni Jeff bago nila nabingwit ang higanteng pagi. Gumamit lamang kasi sila ng isang simpleng pamingwit kaya nahirapan silang hulihin ito.

Sa bigat ng pagi ay kinailangang magtulung-tulong ng 7 tao para lamang maiahon ito papunta sa kanilang bangka.

Ayon kay Jeff, isang uri rin ng isda ang pagi kaya malamang na makuha rin ng kanilang nabingwit ang record bilang pinakamalaking pagi na nahuli sa isang ilog. Maaring ang pagi rin nila ang pinaka­malaking nahuli na gamit lamang ang simpleng pamingwit.

Sinasabing mga babaing pagi ang madalas na nagiging dambuhala at napatotohanan nga ito ng nahuli nina Jeff na isang babae at buntis pa.

Ginawa namang isang dokumentaryo ang naging karanasan ni Jeff at ng kanyang mga kasama sa paghuli sa higanteng pagi. Ipapalabas ito sa katapusan ng taong ito sa isang sikat na is­tasyon na nag­papalabas ng mga programang tungkol sa kalikasan at wildlife.

AMERIKANONG

AYON

DALAWANG

GINAWA

GUMAMIT

ISANG

JEFF CORWIN

MAEKLONG RIVER

PAGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with