Nang umibig si Gen. Douglas MacArthur… sa isang artistang Pinay

NAKIUSAP si President Manuel Quezon kay Gen. Douglas MacArthur na tulungan siyang mag-supervise ng pagbuo ng Philippine Army. Dati na silang magkaibigan kaya hindi nakatanggi ang huli na pagbigyan ang Presidente ng Pili­pinas. Iyon ang naging dahilan upang pumunta siya sa Pilipinas at aksi­denteng nakilala ang magandang Pilipina na nagngangalang Isabel Rosario Cooper.

Sino ba si Isabel Rosario Cooper?

Siya ay isinilang sa Manila noong 1914 sa amang Scottish at inang Chinese-Filipina haciendera mula sa Vallehermoso, Negros Oriental. Si Isabel ay mas kilala sa palayaw na Dimples. Tinedyer pa lang ay isa na siyang torch singer na naglalakbay sa Southeast Asia. Ang torch singer ay mang-aawit ng kantang malulungkot tungkol sa nagkahiwalay na lovers. Ang isa sa magsing-irog ay hindi nawawalan ng pag-asang magkakatuluyan pa rin sila kaya patuloy siyang naghihintay.

Bukod sa magaling umawit, siya ay nagtataglay ng mestisang kagandahan. Ito ang ginawa niyang tulay upang pumalaot sa mundo ng showbiz noong 1925. Sinasabing siya ang pinakaunang Pilipinang artista na nakipaghalikan sa screen. Ang actor na masuwerteng nakatikim ng kanyang labi ay si Luis Tuason. Ang mga naging pelikula niya ay Miracles of Love (1925), Ang Tatlong Hambog (1926), at ang pinakahuli ay Ikaw Pala (1941) sa ilalim ng LVN Pictures.

Itutuloy

Show comments