^

Punto Mo

Hi-tech na tirahan ng aso, $30,000 ang halaga!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG hi-tech na dog house ang ginawa ng kompanyang Samsung para sa mga dog owners na handang gastusan ang kanilang mga alagang aso. Aabot sa $30,000 (katumbas ng P1.3 milyon) ang presyo nito.

Napakamahal ng gina­wang tirahan ng aso ng Samsung dahil kumpleto ito sa mga makabagong teknolohiya na magpapasarap sa buhay ng asong titira sa loob nito. Mayroon kasi itong automatic food dispenser, tread mill na nababalutan ng artipisyal na damo, maliit na pool, at tablet na puwedeng paglaruan ng aso.

Ayon sa gumawa ng hi-tech na dog house ay iniayon lang nila ang disenyo nito sa isinagawa nilang survey na kinabibilangan ng 1,500 dog owners. Nilagyan nila ito ng mga makabagong tekno­lohiya dahil nalaman nila mula sa survey­ na 65 porsiyento ng mga may alagang aso ay gustong may mga hi-tech na gadget ang titirhan ng kanilang alaga. Dalawampu’t limang por­siyento naman sa kanilang na-survey ay gustong may sa­riling tablet, TV, at treadmill ang kanilang aso samantalang 18 porsiyento ang gusto ng sariling hot tub para sa kanilang alaga.

Sinunod ng mga nagdisenyo ang resulta ng survey kaya naman punumpuno ang dog house ng iba’t ibang maka­bagong kagamitan.

Unang ipinakita sa publiko ang hi-tech na dog house sa isang engrandeng dog show na ginanap sa United Kingdom.

AABOT

AYON

DALAWAMPU

DOG

MAYROON

NAPAKAMAHAL

SAMSUNG

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with