Ngayon na ilalabas ng Board of Inquiry (BOI) ang resulta ng kanilang pagbusisi sa naganap na Mamasapano incident na dito nasawi ang 44 tauhan ng SAF.
Pero hindi agad ito, masasapubliko, kundi isusumite muna ng DILG sa tanggapan ni Pangulong Noynoy at maging sa Senado.
Sa linggo rin namang ito, inaasahan na mailalabas na rin ang resulta ng imbestigasyon ng Senado.
Ang tanong, eh humupa na kaya dahil dito ang matinding emosyon ng ating mga kababayan at maging katanggap - tanggap ito lalu na ng mga kaanak ng nasawing SAF?
Ang nais nilang makamit eh hustisya, sa resulta kaya ng imbestigasyon magkakaroon na ng linaw kahit kaunti?
Kung sinu-sino ang mga dapat pananagutin sa naturang insidente?
Hanggang saan kayang level umabot ang mga isinagawang imbestigasyon?
Ang mga katanungang ito ang inaasahang masasagot sa resulta ng mga imbestigasyon.
Matagal nang hinintay ang paglabas ng resulta ng mga isinagawang pagbusisi, na sana nga lang ay maisiwalat ang lahat ng mga nilalaman nito, dahil kung hindi ay malamang na makadagdag pa sa emosyon ng marami nating kababayan.
Malamang na maging isa rin ito sa basehan sa gagawing pagdinig naman sa kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Kaya nga wait and see tayong lahat sa resulta nito.