Ano ang mainam gawin?

Kung makati ang lalamunan. E, di ang kamutin ang iyong tenga. Kapag nagalaw ang nerves ng tenga, lumilikha ito ng paghilab ng muscle sa lalamunan kaya titigil ang pangangati.

Kung nasa maingay na lugar, halimbawa, party at nais mong marinig na mabuti ang sinasabi ng iyong kausap: Ilapit mo ang iyong kanang tenga sa direksiyon ng iyong kausap. Ang kanang tenga ay magaling humabol sa mabilis ng rhythm ng speech. Ang kaliwang tenga naman ay magaling sa pagkuha ng music tone. Kaya ito ang ilapit mo kung nais mong marinig mabuti ang pinapatugtog sa mahinang volume ng stereo.

Para pigilin ang pag-ihi sa panahong walang toilet na available. Mag-sex fantasy ka. Kapag okupado ng pagpapantasya ang iyong utak, makakalimutan mo sandali na ihing-ihi ka na.

Para mabawasan ang sakit ng injection. Umubo habang tinuturukan.Ang biglang pagkakaroon ng big­laang pressure sa dibdib at spinal canal dulot ng pag-ubo ang sekreto para di madama ang sakit ng pagtusok ng karayom.

Kapag hindi makahinga dahil sa sipon. Idikit ang dila sa ngala-ngala. Habang ginagawa mo ito, isabay mo rin ang pagdiin ng iyong hintuturo sa pagitan ng dalawang eyebrows. Diinan ito back and forth ng 20 seconds. Ang sipon na naiipon sa nasal passages ay magagalaw at lalabas sa ilong.

(Itutuloy)

Show comments