Ang Edukasyon sa Pagpapakatao sa implementasyon ng K to 12

Ang K to 12 ay ang bagong kurikulum na kung saan ay magkakaroon ng malaking pagbabago at pag-unlad sa parte­ ng mga mag-aaral at guro. Sa pamamagitan ng progra­mang ito ng Departa­mento ng Edukasyon ay malilinang ang problemang pangkabuhayan ng mga mag-aaral sapagkat ito ay naglalayong matutunan ng mga mag-aaral na hasain ang karunungan nila sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay pagdating nila sa ika-11 at ika-12 baitang na tinatawag na Senior High School.

Kapag natapos at naipasa ng mga mag-aaral ang ika-11 at 12 baitang ay bibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng National Certificate mula sa Technological Education and Skills Development Authority (TESDA) na kung saan ay isang malakas na sandata upang sila ay makapaghanapbuhay sa maagang edad at maaari ring matustusan nito ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo kung kanilang nanaisin. Maaari ring maging hakbang ito upang sila ay makapaghanapbuhay sa ibang bansa.

Bilang guro sa baitang 9 ay lubos akong nasisiyahan at nana­nabik sa katuparan ng programang ito sapagkat sa pamamagitan ng K to 12 ay nababatid ko na magkakaroon ng katuparan ang maraming pangarap ng mahihirap na kabataan. Isang mahusay na paraan din ito sa pagkakaroon ng kaalaman sa lahat ng aspeto ng buhay. Gaya ng pagtuturo, kinakailangan na ang guro ay sumunod sa modernong teknolohiya upang mas maging epektibo at malinang ang sarili tungo sa pagkakaroon ng 21st century students at maging isang 21st century teacher sa hinaharap. Mayroon lamang akong nasilip na poblema, ang implementasyon ay mas higit na magiging epektibo kung ang mga kinakailangang kagamitan ay mayroon gaya ng computer, television at iba pang modernong teknolohiya na maaaring makatulong sa pagtuturo.

Lalo’t higit sa Edukasyon sa Pagpapakatao na kung saan ay napakahalaga sapagkat dito ay matutunan ng mag-aaral ang pagkatao, pakikipagkapwa, lipunang ginagalawan, pagpili ng propesyon sa hinaharap at pagkamaka-Diyos. Mas epektibo ang paraan ng pagtuturo kung ang guro ay gumagamit ng video o film viewing, gayundin ang power point na kinakailangang matutunan ng mga guro upang mas malinang ang kanilang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Bilang pagtugon sa hinihingi ng programang K to 12 ay nararapat lamang na pag-aralan na ng bawat guro ang paggamit ng computer sapagkat papaano malilinang ang kanyang mag-aaral kung siya mismo na guro ay hindi batid ang gamit ng makabagong teknolohiyang ito.

Kinakailangan din ang paggamit ng iba’t ibang uri ng estratehiya at gawain upang mas lalong malinang ang sarili, maging malikhain at mayaman sa ideya sa lahat ng pagkakataon.— ESTRELITA A. GERONIMO, Master Teacher 1, sCabiao National High School

 

Show comments