^

Punto Mo

‘Lakas ng Pinoy’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAGDATING sa larangan ng palaro at palakasan, kilala ang mga Pilipino na buo ang loob at tibay ng PUSO.

Sa huling FIBA Basketball World Cup, pinahanga at ginulat ng Gilas Pilipinas ang mga katunggali nang manalo ito sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 40 taon ang bansang Senegal. Sa huli hindi man nauwi ang titulo, nagbigay naman sila ng magandang laban at isa na sila sa siguradong paghahandaan sa mga susunod na kompetisyon.

Samantala, matunog pa rin ang pangalan ng ating ‘Pambansang Kamao’ na si Congressman Manny Pacquiao dahil patuloy nitong pinapahanga ang mga Pilipino nang matalo nito sa kanyang huling laban ang Amerikanong si Chris Algieri.

Kamakailan lang ay kinompirma ni Manny na tuloy na ang labang matagal nang hinihintay ng lahat – Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather, Jr. matapos ang limang taong negosasyon (5 years in the making). Ito ay magaganap sa ika-2 ng Mayo 2015.

Sa ngayon, hindi na lang sa dalawang larangan na ito nakikilala ang Pilipinas maging sa bilyar, ahedres (chess) at nitong mga nakaraang taon, narinig natin ang Azkals. Ang pambato ng Pilipinas sa larong football.

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong mamayagpag muli ang larong ito dito sa Pilipinas.

Kahanga-hanga ang mabilis na pag-unlad ng football sa bansa, sa katunayan hindi naiwasang mapansin ito ng isang prestihiyosong ‘international sports organization’.

Kamakailan lang ay pinarangalan ng Asian Football Confederation (AFC) ang Philippine Football Federation (PFF) pati ang football associations sa India at Tajikistan ng “President Recognition Award for Grassroots Football”. Ito ay binigay noong selebrasyon ng ika-60 taon ng AFC sa Makati Shangri-la Hotel.

Ang prestihiyosong parangal na ito ay pagkilala sa pagsisikap ng bansa na mapalago ang sports sa pamamagitan ng “Kasibulan” project.

Ang “Kasibulan” ay isang football program na nakatanggap ng 20 milyong pisong pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Layon nito na mahasa ang talento ng mga bata sa paglalaro ng football sa pama­magitan ng seven-year deve­lopment plan. Ang programa ay para sa mga batang Pilipino na mahilig sa football na may edad na 6 hanggang 12 taong gulang, isasagawa ito hanggang taong 2019.

Nais ng programang ito na makapasok ang Pilipinas sa FIFA Under17 Cup 2019.

Malaki ang naging bahagi ng “Kasibulan” project na maipakilala ang larong football sa mga batang Pilipino mula sa iba’t-ibang komunidad sa Pilipinas.

Simula nung mailunsad ang proyekto noong 2012 sa tulong ng PAGCOR, ang PFF ay nakapagsanay na ng mahigit 60,000 na bata sa pamamagitan ng Grassroots Courses and Festivals (GCF) na ginanap sa buong bansa.

Sa ngayon, halos 10,000 na guro at coaches mula sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng kaalaman sa pag-officiate ng laro at pag organisa ng mga maliliit na tournament.

Ayon kay PFF General Secretary Atty. Ed Gastanes, ang “Kasibulan” project ay nakatulong upang ma-engganyo ang mga batang Pilipino na subukan ang football.

“Ang layon ay makapagsanay ng libu-libong mga kabataan sa pamamagitan ng ‘Kasibulan’ program. Ito’y magpapatuloy taun-taon upang magkaroon tayo ng maraming mahuhusay na manlalaro na sa pagdating ng panahon ay magrerepresenta sa ating bansa,” wika niya.

Upang masiguro na ang layon ng proyekto ay nakakamit, nakikipagtulungan ito sa mga asosasyon, federasyon, lokal na unit ng gobyerno, paaralan at clubs.

“Ang mga lokal na liga ay nakapanghihikayat. Kung kaya’t isa sa mga paraan upang palakihin ang bilang ng mga kalahok sa ‘football’ ay siguraduhin ng mga siyudad na mag oorganisa na ito ay bukas sa lahat ng edad, mas maraming grupo o organisasyon ang ma­aaring sumali at kailangang maayos na maisapubliko ang nasabing palaro,” dagdag ni Gastanes.

Ganun pa man ayon kay Gastanes, ang proyektong ito ay simula pa lamang ng deve­lopment phase.

Upang lubusang ma-develop ang football sa Pilipinas, maraming pagsasanay ang dapat pang pagdaanan ng mga manlalaro. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng ‘Kasibulan’ project at sa tulong ng PAGCOR.  The country’s grassroots football program is up and running because of this noble project,” pagtatapos nito.

Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368.

Para sa karagdagang ka­alaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches. Maaari ring bisi­tahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected].

(KINALAP NI I-GIE MALIXI)

FOOTBALL

KASIBULAN

LEFT

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with