ISANG klase ng caviar, na gawa mula sa itlog ng isdang Albino sturgeon, ang sinasabing pinakamahal na pagkain sa buong mundo.
Sa halaga nitong $300,000 (katumbas ng P13 milyon) kada kilo, papatak na $40,000 (P1.8 milyon) ang bawat kutsarita nito.
Ang napakamahal na caviar ay gawa ng Austrian na si Walter Gruell at kanyang anak na si Patrick.
Gawa ang kanilang caviar mula sa isdang Albino sturgeon na bihira lamang kung mahuli. Halos extinct na ang nasabing isda kaya naman parang ginto ito sa presyo. Gumagamit ng limang Albino sturgeon ang mag-ama para sa paggawa ng kanilang caviar kaya naman napakamahal nito. Lalong nakadagdag pa sa nakakalulang presyo nito ang pulbos ng 22 carat na ginto na ibinubudbod nila sa kanilang caviar.
Ngunit sa kabila naman ng presyo ng kanilang caviar ay ipinagmamalaki naman ni Walter na talagang napakasarap ng kanilang caviar. Nakatulong daw kasi ang tubig sa Austria na nanggagaling pa sa mga bundok na may niyebe na ligtas mula sa kahit anong polusyon. Napakabilis din daw gamitin sa pagluluto ang caviar na puwedeng gawing ulam o kaya ay palaman sa tinapay.
Nag-aalok naman ng discount si Walter para sa mga gustong makasubok ng kanilang ibinebentang caviar. Puwede nilang ipagbenta ito sa mas mababang halaga na $112,000 (katumbas ng P5,000,000) sa mga mapipiling customer.