FLASH Report: It’s official! Si PO3 Antolin “Jhong” Valero na ang opisyal na tong collector ni Calabarzon OIC Chief Supt. Erwin Erni. Ito ay maliban sa RAIG nasa bulsa din ni Erni lumalanding at ng R2. Kaya’t may madaming pitsa na panggastos na si Erni para makumbinsi si dating Cavite Gov. Ayong Maliksi na suportahan ang pagka-permanente niya sa puwesto, di ba Sr. Supt. Tony Yarra Sir?
* * *
Tamad nga ba ang mga pulis ng Manila Police District? Nagkaroon kasi ng crime assessment sa Metro Manila ang mga opisyales ng NCRPO sa Camp Crame kamakailan at nakasentro ang usapan sa mataas na crime rate ng Maynila. Ang police to population ratio kasi sa MPD ay 1:552 subalit mayroon silang index crime na 9,840 na ikinumpara sa Northern Police District na may 1:1,127 PP ratio at index crime na 6,391. Nagkaroon nang parang open forum mga kosa at ang tanong ay bakit mataas ang crime rate sa Maynila samantalang madami silang pulis kumpara sa NPD. Ang sagot ni Sr. Supt. Elmer Jamias, ang DD for administration ng SPD ay dahil magaling ang taga-MPD na tumpak naman. Si Jamias kasi ay galing sa MPD. Ang sagot naman ng ibang kosa ko, kaya mataas ang krimen sa MPD ay dahil ang mga residente ay halos hindi magkakilala, lalo na sa squatters area. Pero me sumabad naman na tamad lang ang mga pulis-Maynila. Boom Panes!
Kung sabagay, karamihan sa mga pulis-Maynila sa ngayon ay mga gambling lords na tulad nina Ver Navarro, SPO3 Gener “Paknoy” Presnedi at iba pa. Ang mga pulis na gambling lords mga kosa ay kung tawagin ay 15-30 bunga sa sumisipot lang sila tuwing suweldo, di ba MPD OIC Sr. Supt. Rolando Nana Sir? Kaya naman nakakaalpas itong mga gambling lord na pulis sa lingguhang accounting of personnel na iniutos ni Nana ay dahil bayad sila sa mga superiors nila. Dahil madami na silang pitsa, hindi na reresponde ang mga gambling lords na pulis sa mga krimen at imbes babantayan na lang nila ang ilegal na negosyo nila, di ba mga kosa?. Hehehe! Ano pa nga ba?
Meron naman akong ehemplo kung bakit tamad ang pulis Maynila. Kasi nga ilang ulit ko nang ibinulgar itong malakas na bookies operation ng magkasosyong SPO4 Roberto “Obet” Chua at Ferdinand Sy na matatagpuan sa 1726 Bocobo St., sa Malate at ang sa 421 Flores St., Alhambra, Ermita, kapwa sa Manila. Imbes na kumprontahin at tuldukan ang problema, aba laway ang isinagot ng mga bataan ni Nana, di ba SPO1 Rudy Manayayam Sir? Ikinalat kasi ng mga bataan ni Nana na na-raid na ang mga nabanggit na puwesto nina Obet at Ferdie at naghigpit nga ang MPD laban sa pasugalan. Subalit sa totoo lang, hindi naman ni-raid kundi pinatabi lang ng mga bataan ni Nana ang bookies nina Obet at Ferdie at hanggang sa ngayon ay nag-ooperate pa. O, di ba laway lang ang solution nila at maliwanag pa sa sikat ng buwan na tamad talaga ang mga pulis-Maynila? Boom Panes! Hehehe! Paano nila ma-raid ang mga puwesto eh naka-intelihensiya?
Ang iminungkahi na solution kay Interior Sec. Mar Roxas ay bawasan ng kalahati ang bilang ng pulis-Maynila, di ba Col. Dennis Siervo Sir? Kung mahigit 6,000 ang pulis sa MPD, sayang din ang P1,100 MOE nang bawa’t mabawas na pulis, di ba Col. Nana Sir? Kahit palitan pa ng bagong recruit na pulis ang mga tatanggaling pulis, eh ilang buwan pa at magiging tamad din sila. Dahil tuturuan din sila nina Chua, Navarro at Presnedi na maging tamad. Abangan!