^

Punto Mo

‘Barya-baryang pondo kontra ilegal na droga’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TAON-TAON, tumataas at lumalawak pa ang underground industry ng ilegal na droga sa bansa.

Sa huling datus ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 92 porsyento na ng mga barangay sa Metro Manila, napasok na ng nasabing industriya. Namamayagpag dahil mayroong demand at supply.

Puspusan ang kampanya ng gobyerno kontra rito. Subalit, ang pondong nakalaan, kulang. Ramdam ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police-Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at National Bureau of Investigation (NBI).

Nakita at naidokumento rin mismo ito ng BITAG sa mga operasyong sinasamahan ng aming­ grupo. Ang mga operatiba, nagpupursige sa pakikipag-giyera sa mga sindikato sa kabila ng kakulangan sa pangangailangan, kagamitan at teknolohiya.

Ngayong 2015, P1.47 bilyon ang nakalaang Intelligence at Confidential Fund (ICF) ng gobyerno. Sa bilyong halagang ito, madagdagan man lang sana ang barya-baryang pondo ng mga nasabing ahensya.  

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang sa kalahating bilyon lang ang pondo ng PDEA habang P36 milyon naman sa PNP-AIDSOTF.

Bilang investigative team na laging nakakasama ng mga operatiba sa operasyon, sana  makita at mapagtuunan ng pansin ng mga nasa lehislatura ang kalagayan nilang ito.

Bigyan ng atensyon at bigyan ng sapat na pondo ang mga ahensya na nagdedeklara ng giyera kontra droga.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BIGYAN

CONFIDENTIAL FUND

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with