^

Punto Mo

Problema sa MRT, h’wag balewalain

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA gitna nang mainit ng usapin sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 na SAF commandos, hindi dapat kalimutan ang problema sa MRT 3.

Kahit na naglaan na ng pondo ang gobyerno mula sa 2015 national budget at nagtaas pa ng singil ang MRT, hindi pa rin nagkaroon ng maayos na performance ang serbisyo.

Baka ang akala ng pamunuan ng DOTC, hindi napapansin ang problema sa MRT dahil mainit na pinag uusapan ang isyu ng “Fallen 44” na inimbestigahan ng Senado.

Sana, huwag kalimutan ng mga senador ang ginawa nilang imbestigasyon sa MRT at ipagpatuloy ang pagsisiyasat at pagbusisi sa performance nito.

Libong pasahero ng MRT ang maaring malagay sa panganib kapag hindi naaksiyunan ang problemg ito.

Hindi dapat ikatwiran ng pamunuan ng DOTC na matagal ang proseso sa pagsasaayos ng pasilidad at kagamitan ng MRT dahil ang dapat na mangibabaw dito ay ang kapakanan ng mga pasahero.

Nilunok na nga ng mga pasahero ang  biglang pagtataas ng singil sa pasahe sa MRT pero bakit hindi agad ito nasuklian nang maayos na serbisyo.

Dapat ay papanagutin na ang mga opisyal ng DOTC sa kapalpakan ng MRT at huwag nang hintayin na magkaroon ng mas malubhang aksidente.

Sana, huwag balewalain ang usapin sa MRT dahil maraming mamamayan ang maaring maapektuhan nito na dapat bigyang prayoridad ng gobyerno.

vuukle comment

DAPAT

KAHIT

LIBONG

MAMASAPANO

MRT

NILUNOK

SANA

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with