^

Punto Mo

PNP, AFP ‘word war’: P-Noy dapat mamagitan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang may ‘word war’ o hidwaan ngayong nagaganap sa pagitan ng PNP at AFP kaugnay sa insidenteng naganap sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na tauhan ng SAF.

Bagamat itinatanggi ito , ramdam  sa mga patutsada o parinig ng magkabilang panig, dahil sa isyu ng walang koordinasyon at ang hindi pagpapadala ng reinforcement sa gitna na nagaganap na bakbakan sa Mamasapano.

Malalim pa rin ang mga isyu na lumutang at lumulutang pa kaugnay sa Mamasapano, marami pa ring katanungan ang hindi pa nasasagot o nabibigyan ng linaw at sa puntong ito mas lalong hindi maganda ang nangyayari kung ang dalawang ahensyang ito ng pamahalaan ay magbabangayan sa gitna ng mainit ngayong kontrobersya ng pamahalaan.

Iisa lamang ang natutuwa sa ganitong pangyayari, kundi ang kanilang mga kalaban.

Pero ang lalong nakapagtataka rito, nagpapalitan na nga ng ibat-ibang akusasyon ang dalawang ahensyang ito, pero bakit uli hanggang sa ngayon ay tahimik dito ang Pangulong Noynoy.

Bilang siya ring commander in chief, bakit hindi siya mamagitan sa PNP at AFP at patigilin ang mga ito sa mga sisihan.

Bilang commander in chief, siya ang unang dapat na magpatahimik sa mga ito dahil iisa ang kanilang layunin ang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa sambahayan.

Iintayin pa ba niyang tumindi at lalong lumala ang hidwaan na ito na siya lang naman ang makakalutas dito.

 

BAGAMAT

BILANG

IINTAYIN

IISA

MAGUINDANAO

MALALIM

MAMASAPANO

PANGULONG NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with