^

Punto Mo

Sino si Senador?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

(Part 3)

NAKALIMUTAN na yata ng misis ng bida nating Senador ang history lessons n’ya. Sa history naman kasi natin ang ilang Presidente na ang sumemplang sa puwesto dahil sa pakikialam ng kabiyak o ng mga malapit na kaibigan nila? Hindi na ako lalayo pa mga kosa dahil ang maliwanag na halimbawa ay ang kaso ng nasirang Pres. Ferdinand Marcos, Pres. Erap Estrada at Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Kahit sobra-sobra ang ginawa ni Marcos sa Pilipinas, nabura ang mga ito dahil sa akusasyon na nakikialam ang kabiyak niya na si Rep. Imelda Marcos. Ganundin si GMA na masabi nating gumiya sa tamang landas ng Pilipinas sa gitna ng economic crisis sa ibang bansa noong kapanahunan niya subalit nakalimutan ng madlang people dahil din sa akusasyon na nakikialam sa kanya si First Gentleman Mike Arroyo. Habang si Erap naman ay napatalsik sa puwesto dahil sa awayan ng mga alipores niya sa jueteng. Kaya dapat maghinay-hinay si Misis at palaging isaisip ang kasabihan na, “History repeats itself,” di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Reminder lang po ito Misis!

Habang papalapit ang 2016, lumalakas din ang ugong na tatakbo sa pagka-Presidente ang senador na bida natin at makikita naman ito sa body language ni Misis. Nag-hire ang pamilya ng batikang PR man at gumawa pa ng sekretong war room si Misis sa opisina ni Senador para palakasin ang dating ng huli sa taumbayan. Subalit sa sobrang pakikialam ni Misis, lumayas ang batikang PR man ay nandun na siya sa kuwadra ng isa pang pulitiko na may ambition ding maging presidente ng bansa. Si Misis naman ay panay sibak sa empleado ni Senador at sa tingin ng mga kosa ko, sila at ang kani-kanilang pamilya ang hindi na boboto kay Senador pagdating ng 2016 elections. Hehehe! Malinaw pa sa sikat ng araw na subtraction ito, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Heto pa ang palatandaan na tatakbo si Senador. Noong nakaraang mga buwan kasi gumawa ang mga staff ni Senador ng video greetings para sa birthday ng Big Boss sa political party niya. Siyempre, maraming kapwa Senador ang nagbigay ng greetings na kinuha ng mga staff ni Misis. Subalit nang ipalabas ang video greetings sa harap ni Big Boss, aba malamya ito. ‘Yun pala, na-edit ni Misis ang mga portion kung saan hinihikayat ng mga na-interview na senador na tumakbo sa pagka-presidente ang kanilang Big Boss sa darating na 2016. Hindi nagustuhan ni Misis ang portion na ‘yun dahil ang asawang Senador nga ang isinusulong. Boom Panes! Hehehe! Siyempre, ang pansariling interes muna, di ba mga kosa? Tumpak!

Ang bago sa ngayon sa opisina ni Senador ay sinibak ni Misis ang isang empleado na hindi sipsip sa kanya sa suspetsang “mole” ko siya. Nagtataka kasi si Misis kung bakit detalyado ang mga na­isulat ko dito sa Supalpal. Sa ngayon, ang lahat nang nasibak na empleado at pati aktibo ay suspect na din. Pero sa totoo lang, kapag di pa tumigil sa pag batuhan ng baho itong sina Interior Sec. Mar Roxas at Vice Pres. Jojo Binay baka itong si Senador na lang ang iboboto ko, kahit di ko pa s’ya ka-probinsiya. ‘Yan ay pag natuloy s’ya. Sa tingin ko kasi, me ibubuga naman at may gustong patunayan. Abangan!

BIG BOSS

BOOM PANES

ERAP ESTRADA

FERDINAND MARCOS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HEHEHE

MISIS

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with