PARA sa isang bansang laging binabayo nang napakara-ming bagyo at pagbaha, mahalaga ang pagkakaroon ng mga sasakyan na kayang lumusong sa tubig nang walang pa-ngamba sa mga sakay nito na ito’y masisiraan.
Ito ang dahilan kung bakit nagdisenyo at gumawa ang isang kompanya sa Pilipinas ng isang klase ng tricycle na kayang lumusong sa tubig. Tinaguriang ‘Salamander’, ang tricycle na nagkakahalaga ng P200,000 ay likha ng H20 Technologies at kaya nitong magsakay ng hanggang sa 6 pasahero sa lupa man o sa tubig.
Katulad ng isang pangkaraniwang tricycle ay tumatakbo ito sa pamamagitan ng gasolina ngunit mayroon din de-kur-yente na modelo na may nakakabit na solar panels. Maari rin na gamitan ng sagwan ang “Salamander” sakaling maubusan ito ng gasolina habang ito’y nasa tubig.
Hindi pa ipinagbebenta ang ‘‘Salamander’’ sa publiko. Ngayon ay naka-pokus muna ang kompanyang gumawa nito sa pag-aalok ng kanilang amphibious tricyle sa mga lokal na pamahalaan na may mga nasasakupan na laging binabaha. Magiging kapaki-pakinabang ang ‘‘Salamander’’ para sa mga rescue operations na kanilang isinasagawa sa mga panahong may sakuna at lalong-lalo na sa mga pagkakataong masyado nang malalim ang baha para lusu-ngin ng mga pangkaraniwang sasakyan.