Job hunting malabo sa internet?
LUMILITAW umano sa pag-aaral na isinagawa ng doctoral student na si Christine Fountain ng University of Washington (U.S.) na hindi rin nakakatulong sa mga tao na maghanap ng trabaho sa pamamagitan ng internet. Pinuna niya na, habang dumarami ang naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng internet, lumalabo ang tsansang makuha ang job applicant. Binanggit pa niya na malaking tulong naman ang Internet sa pagkalap ng mga kinakailangang impormasyon pero malabo ito pagdating sa paghahanap ng trabaho. Dahil daw sa pagdami ng mga resume na isinusumite sa pamamagitan ng Internet, hindi na nagagawa ng maraming employer na silipin ang mga ito at, sa halip, umaasa sila sa rekomendasyon ng mga taong nakakakilala sa mga aplikante.
• • • • • •
Napaulat umano kamakailan sa Nutrition and Cancer Journal ang isang bagong pag-aaral na ginawa ng grupo ng nutritional epidemiologist na si Marion Dietrich ng University of California, Berkeley, na nakakatulong rin ang pag-inom ng 500 mg na Vitamin C para makaiwas sa pinsalang idinudulot ng second-hand tobacco smoke. Kung hindi ka kasi naninigarilyo pero may mga katabi ka sa sasakyan o sa ibang lugar na naninigarilyo, malulusutan mo ang pinsalang idinudulot ng usok nito kung iinom ka ng Vitamin C. Hindi nilinaw sa ulat kung makakaligtas sa kanser o sakit sa puso ang umiinom ng Vitamin C pero sinasabi ni Dietrich na nakakapagpalakas ng loob na malaman na ang naturang bitamina ay nakakatulong para maiwasan ang oxidative damage na idinudulot ng usok ng sigarilyo. Idinagdag ng kasamahan ni Dietrich na si Gladys Block na isa ring professor ng nutritional epidemiology na, bukod sa naturang bitamina, makakabuti ring kumain ng prutas at gulay para malabanan ng katawan ang mga pinsalang dulot ng second-hand smoke.
• • • • • •
Ayon sa pananaliksik ng mga scientist ng National Human Genome Research Institute, Pennsylvania State University, University of Washington at University of California, Santa Cruz, na magkakalahi rin ang tao at daga dahil meron silang magkakatulad na mga genes.
- Latest