^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag padalus-dalos sa Bangsamoro Basic Law

Pang-masa

MAAARING ang nangyaring madugong enkuwentro o masaker sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao ay isang pangitain o signs na dapat maghinay-hinay muna ang gobyerno para sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Para bang ipinababatid ng pangyayari na huwag munang magpadalus-dalos sa pagpapasya sa BBL. Kailangan muna ang masusing pag-aaral, paghihimay at pagkunsulta kung nararapat nang isapinal ang BBL.

Kapag naisabatas na ang BBL, magkakaroon na ng kapangyarihan ang Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) at maaaring wala nang makapigil sa anumang kanilang gustuhin. Nakakatakot ang maaaring mangyari kapag hindi pinag-isipan nang matagal at maayos ang BBL.

Kung ngayon pa lang ay wala nang makitang sinseridad sa grupo kaugnay sa nangyaring masaker, ano pa kung mayroon na silang sariling awtonomiya. Sinabi ni President Noynoy Aquino nang magsalita sa telebisyon noong Miyerkules na dapat ay magkaroon ng sinseridad ang MILF at pangalanan ang mga miyembro na sangkot sa masaker. Hanggang ngayon, walang sagot ang liderato ng MILF. Wala lang. Balewala lang ang sentimyento nang nakararami sa nangyaring brutal na pagpatay sa 44 na miyembro ng SAF.

Halimbawang matuloy ang pag-uusap at pagdebatehan na ang BBL, dapat rebyuhin ang may kaugnayan sa karapatang pantao na nakasaad sa ipapasang batas. Sa nangyaring paraan ng pagpatay sa mga miyembro ng SAF na kahit nakabulagta na ay binabaril pa sa mukha, tila walang alam sa karapatang pantao ang mga miyembro ng MILF. Bukod pa sa brutal na pagpatay, pinagnakawan pa ang mga bangkay ng SAF. Hinubaran ng uniporme, kinuha ang cell phone, pitaka, combat boots at iba pang maaaring pakinabangan.

Ganito ba ang grupong kakausapin ng gobyerno na hindi marunong gumalang sa kapwa tao?

BALEWALA

BANGSAMORO BASIC LAW

BBL

BUKOD

GANITO

HALIMBAWANG

MORO ISLAMIC LIBE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with