Manong Wen (185)

KABISADO ng dalawang kidnappers ang lugar. Mabilis na nakarating sa kabila ng sapa at doon hinintay ang pagdaan ng magkapatid na sina Princess at Precious.

“Dito tayo sa mataas na lugar para makita natin ang dalawang tsikas!” Sabi ni Marko kay Tsong.

“Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito. Tutuhugin ko na ’yung partner ko, he-he-he!” Sabi ni Tsong na nagmistulang demonyo nang tumawa.

“Mabuti nga at dalawa na lang tayo. Kung narito si Jigs, istorbo pa ’yun. Pakialamero at madaldal ang hayop na ’yun.’’

“Kaya pala binaril mo agad kanina habang nagta-talo kami. Nabigla ako nang barilin mo Marko.’’

“Kung hindi ko ginawa ’yun, baka tayo ang inupakan niya. Kanina, nakita ko hawak na ang baril niya at bibirahin ka na. Mabuti na lang at mabilis ako! Siyanga pala, kinuha mo ba ang baril ni Jigs?’’

“Hindi!’’

‘‘Saan napunta?’’

“Baka nasa sasakyan. Di ba basta na lang natin isinakay ang bangkay ni Jigs sa van?’’

“Sa palagay mo, may makakakita sa van?’’

“Wala. Bihira ang pu­mu­punta sa lugar na ito. Alam kasi ng mga tao, tapunan ng mga sina-salvage ito.’’

“Parang kabisadung-ka­bisado mo ang lugar na ito, Tsong.’’

“Oo naman. Nakasama ako nina PO3 at PO2 nang magtapon ng sinalvage rito.’’

“Ganun ba? Kaya pala alam na alam mo ito.”

Maya-maya pa, nakarinig sila ng ingay sa di-kalayuan. Nagmula sa sapa ang ingay.

“Ssshhh, huwag kang maingay Marko. Palagay ko, paparating na ang hinihintay natin.’’

‘‘May naririnig na nga ako Tsong.’’

“Kapag nakasampa na sa pampang ang dalawa saka natin haltakin pagdaan dito sa tapat natin.’’

“Okey, Tsong. Mabuti yata dun ako sa kabilang gilid nitong daan. Para makalampas man sila sa’yo, tiyak na mahuhuli ko !’’

‘‘Sige!’’

Nang mga sandali namang iyon ay paparating na nga sina Princess at Precious sa sapa.

Nagulat si Precious nang makita ang sapa. Hindi akalaing may sapa pala roon.

“Paanong gagawin natin, Ate?’’

“Tatawid tayo diyan. Wala tayong ibang dadaanan kundi ’yan!’’

“Baka malalim Ate?’’

“Hindi! Malinaw ang tubig at nakikita ko ang ilalim. Baka hanggang tuhod lang ’yan. Halika na, Precious!’’

Lumusong sila sa sapa. Magkahawak kamay sila.

Malamig ang tubig. Hang­gang tuhod nga lamang iyon.

‘‘Kaya mo pa Precious?’’

‘‘Oo Ate.’’

“Pagnakatawid tayo rito, palagay ko mahihirapan na silang maabutan tayo. Malayo na rin ang nararating natin.’’

“Sana naman pagsampa natin sa pampang, may dumating nang magliligtas sa atin. Sana may pulis na dumating o kaya si Kuya Jo.’’

“Sana nga, Precious.’’

Nakatawid sila sa sapa. Patungo na sila sa pampang. Mataas din ang pampang at maraming damo sa paligid. Tahimik na tahimik ang paligid.

Malambot ang pampang. Lumulubog ang kanilang mga paa.

“Halika Precious. Kumapit ka sa akin para hindi ka lumubog.’’

Hanggang sa malampasan nila ang malambot na parte ng pampang. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Wala silang kamalay-malay na nag-aabang sa kanila ang dalawang hayok na kidnaper. Parang mga aso na naghihintay ang mga ito.

‘‘Ayan na sila Marko, alisto ka!’’

‘‘Ready na ako, Tsong.’’

Pagsampa nina Princess sa mataas na bahagi ng pampang. Biglang lumutang ang dalawang kidnapper.

‘‘Saan kayo pupunta ha?’’

Napaatras ang magka-patid. Nasa mukha nila ang matinding takot. Ito na yata ang katapusan nila.

(Itutuloy)

Show comments