Bakit ba sa bansa ay laging magulo
mga mamamaya’y mainit ang ulo?
Sa kaunting bagay hindi magkasundo
kung kaya patayan ang resulta nito?
Sa liblib na pook nitong ating bansa
may mga babaing napapariwara?
Ang ama at ina madaling magwala
dahil pera nila ay hindi magkasya?
Mga magsasakang nabuhay sa bukid
inagawan pa sa kanyang patubig;
Ang maraming bagay na kanyang tinipid
kinukurakot pa ng mga lintik!
Kaya paanong bansa ay uunlad
sa ganitong siste ng mga pahamak?
Tayong mga Pinoy magbago ang dapat
upang ang hidwaan maglaho nang ganap!