^

Punto Mo

‘Paniwala sa Poste’

- Tony Calvento - Pang-masa

LIBRE…LIBRE…LIBRE, walang babayaran at ang mga pangarap mo sa buhay na guminhawa ay magkakaroon ng katuparan, sa pagkakataong magtrabaho sa ibang bansa.

Dalawang Caviteña na sina Maribel “Mabel” Cason, 39 taong gulang at Marilou “Malou” Sipat, 34 anyos parehong taga General Trias, Cavite City ang na-enganyo dito at basta na lamang sumunggab.

“Naglalakad ako nun palabas ng kanto ng makita kong nakadikit ang poster ng Dolma International Placement Corporation. Libre daw lahat  walang gagastusin paalis kaya tinawagan ko agad ang numero,” ani Mabel.         

Si Mabel ay hiwalay sa kanyang asawang Overseas Filipino Worker din sa Middle East. Meron silang dalawang anak. Da­ting ‘factory worker’ si Mabel sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Cavite. Buwan ng Mayo 2014, lumabas ng bahay si Mabel para bumili. Matagal na niyang gusto mag-abroad kaya binasa niya ito at ng makitang wala siyang gagastusin, mabilis niyang tinext si Manuel “Manny” Rios—ang taong sinasabi na dapat kausapin na nakalista sa papel. Sumagot ito at itinanong kung taga saan siya. Ibinigay niya ang kanyang address at mabilis siyang pinuntahan ni Manny.

“Kinausap niya mga magulang ko. Diniresto siya ni Mama na baka naman scam ito. Hindi naman daw,” wika ni Mabel. Sasahod daw siya ng 400 US Dollars bilang Domestic Helper (DH) sa bansang Dubai.

Mayo 28, 2014… napunta si Mabel sa Dolma. Sinamahan siya ni Manny. Pagdating sa opisina pinag- ‘fill-up’ siya ng kanilang applicatiom form. Dito niya nakilala si Malou. Kasama ni Malou ang mister niya nun. Si Malou ay kasal kay “Robin”--- traysikel drayber. Meron silang isang anak. Kwento ni Malou, bumabyahe ang kanyang asawa ng makita ang flyer ng Dolma na nakadikit sa poste. “Gusto kong magtrabaho sa ibang bansa. Kaya ng makita yun ng mister ko siya na tumawag kay Manny,” ani Malou.       

Sinamahan siya ni Robin sa ahensya. Nagkasabay sa pagpunta sina Malou at Mabel. Hiningan sila ng picture ng Marketing Officer na si Marisol o “Marie”.  Mabilis ang mga pangyayari, pina-medical examination sila. Matapos nito pinauwi sila at sinabing iti-text na lang sila kapag okay ang resulta ng medikal.   Ilang araw makalipas nakatanggap daw sila ng text mula sa Dolma at sinasabing kailangan nila magbayad ng halagang P800 dahil may nakita raw sa mga baga nila Mabel at Malou. Kailangan daw maulit ang x-ray. Bumalik sila sa ahensya. Sinabi nila kay Marie na wala silang pera.

“Ma’am sagutin na po ninyo, ikaltas niyo na lang sa komisyon ko. Para matapos na sila,” sabi umano ni Manny. Pumayag si Marie subalit hiningian pa umano sila ng 200 pesos bawat isa. Lumabas sa resulta na malinis naman ang baga nila Mabel at Malou. Hunyo 03, 2014 iniskedyul sila para kumuha ng mga pasaporte sa Star Mall, Alabang.  Enero 13, 2014, itinakdang madeliver ang pasaporte sa ahensya. “Tinext na lang kami na nandun na ang mga passports namin pero hindi na namin yun nahawakan,” ayon kay Mabel.

Hunyo 2014, pinag-TESDA o Technical Education and Skills Development Authority sa loob ng dalawang araw. Nagbayad umano sila ng P250 bawat isa. Kapag nakapasa sila bibigyan sila ng Certificate mula sa TESDA. “Pasado naman kaming dalawa yun nga lang diretso sa Dolma ang mga Certificates namin,” ayon kay Mabel.

Mula buwan ng Hunyo hanggang Setyembre hindi na sila pinabalik ng ahensya. Tinawagan nila si Manny para at nag follow-up. “Antay-antay lang sabi ni ma’am…” sabi daw nito kay Mabel.

Buwan ng Setyembre 2014, nagpunta sa Maynila si Mabel kasama ang kapatid. Bigla na lang daw tumawag si Manny sa kanya. Pambungad ni Manny, “Alam mo ba, nagsara ang Dolma?”

Nagulat daw si Mabel at nagtanung paano at bakit. Hindi naman daw alam ni Manny kung bakit. Mula nun madalang na daw magtext si Manny sa kanila. Ito na rin daw ang nakikibalita sa kanila kung sila ba’y nakaalis. “Namamasada na daw siya ng traysikel,” ani Mabel.

Ilang araw makalipas si Marie naman ang tumawag sa kanila at pinapunta sila sa kanyang bahay. Sinabi nitong sa Jordan na lang sila pupunta at kung gusto nila pu­mirma ng panibagong kontrata.  Pumayag sila sa gusto ni Marie. Pinag-PDOS sila nito nung Oktubre 2014 subalit para na daw ito sa pagpunta nila sa bansang Bahrain naman daw.  Dahil nagsara na daw ang Dolma, ang hahawak na sa kanila, ang Interactive Connections International Recruitment Agency.

“Ang tagal naming naghintay ng pag-alis namin. Sabi niya nandyan na Visa namin pero wala naman silang maipakita. Kinukuha namin ang aming pasaporte ayaw naman niya. Sila daw nagbayad nun,” ani Mabel.

Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa aming tanggapan. Itinampok namin sila sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” DWIZ882 KHZ(Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM/Sabado 11:00-12NN).

Hiningan namin ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa radyo si Assec. Wilfredo Santos, Head ng Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa pasaporteng iniipit umano ng nasabing kumpanya. Sinabi ni Usec Santos na nasa P950 lang ang halaga ng pagkuha ng passport kapag masyadong mataas ito ang presyo, mali na ito.

Pinapunta ni Assec. Santos sina Mabel sa kanyang tanggapan para tulungan mabawi ang pasaporte nila sa ahensyang nabanggit.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ilang ulit na naming sinasabi sa mga nagpapatakbo ng mga ‘recruitment agencies’ na ang gobyerno ang may-ari ng pasaporte at ito’y prebilehiyo na ibinibigay sa isang residente ng ating bansa.

Walang sino man ang maaring umangkin nito. Sa pagsagot naman ng ahensya sa pasporte nila Mabel at Malou ibang usapan na ito. Maari nilang bawiin nito at magsampa ng collection of sum of money para makolekta ang nagastos nila. Oo nga’t wala naman masyado silang nagastos, subalit kailangan nila ang kanilang pasaporte. Hindi naman sila basta maaring magsinungaling at sabihing nawala ito. Maari kasing mapagamit ito ng mga sindikatong ‘baklas passport gang’ at mas lalong lalaki ang kanilang problema. Pinapunta namin sina Mabel at Malou at nangako itong si Usec Santos na sila na ang babawi ng pasaporte ng dalawa. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)  SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

DAW

HUNYO

MABEL

MALOU

NAMAN

NILA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with