Manong Wen (180)

PINAGSAWAAN ng tingin ng kidnaper na si Marco ang makinis na hita  at binti ni Precious. Takam na takam siya. Hindi na ta­laga siya makakapagpigil sa nararamdaman. Gagawin na niya ang gusto sa nakahimlay na kaganda­hang nasa kanyang harapan.

Mabilis na naghubad ng damit si Marko. Pero hindi pa siya natatapos maghubad ay nagising na si Precious. Nagsisigaw ito.

“Saklolo! Tulungan n’yo kami! Tulungan n’yo kami!”

Biglang itinigil ni Marko ang paghuhubad at inupakan ng sampal si Precious. “Tumigil ka, um!”

Pero nagpatuloy pa rin si Precious sa pagsigaw. Lalo pang inilakas ang sigaw kaya muli siyang sinampal ni Marko. Napasubsob si Precious sa lakas ng sampal.

“Sige sumigaw ka pa at itong kalibre 45 na ang isasampal ko sa’yo!’’

Tumigil si Precious sa pagsigaw pero tuloy sa pag­hikbi.

Hinanap niya sa paligid ang kapatid na si Princess. Hindi niya makita. Saan kaya dinala si Princess? Baka kung ano na ang ginawa sa kanyang kapatid.

“Sinong hinahanap mo, ha?” tanong ni Marko. “Ang kapatid mo ba?”

“Nasaan siya hayup ka?’’

“Aba huwag mo akong tawaging hayop ha? Baka sampalin kita.’’

“Nasaan ang kapatid ko?’’

“Niluluray na ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala. Ang mga magagandang tulad ninyo ay niluluray na para hindi na maunahan ng iba.”

Umiyak si Precious. Bakit naulit na naman ang pangyayari at mas ma­bigat ngayon. Ano bang pag­subok ito sa kanilang buhay­? Bakit nangyayari ito sa kanila? Wala na bang katapusan ito?

Nang mga sandaling iyon naman ay wala pa ring malay si Princess. Takam na takam din ang kidnaper na si Tsong sa nakahimlay na si Princess. Hindi na siya makakatiis. Kailangang matikman na ang babaing ito. Okay na sa kanya ito.

Inayos niya ang pagkakahiga ni Princess. Hinubad niya ang blusa nito at na­tambad ang kariktan.

Sinunod niyang huhubarin ay ang palda. Sabik na sabik siyang makita ang nasa loob ng palda.

(Itutuloy)

Show comments