Life’s Little Instruction (2)

16. Kung mahilig mag-selfie, go ! Pero limitahan ang pagpo-post sa Facebook. Remember, hindi lahat ng tao ay nagagandahan sa iyo.

17. Keep secrets.

18. Laging ipraktis ang pagiging mapagkumbaba, lalo na sa panahong nahuli ka sa traffic violation. Mas mabilis pakiusapan ang mga traffic enforcers kung magalang at mapagkumbabang magsalita.

19. Huwag kalimutan ang anniversary.

20. Iwasang magbigay ng sarcastic remarks. Iyan ang pinagmumulan ng away.

21. Attend class reunion.

22. Ang ipahiram mo lang ay ang mga librong wala kang paki kahit hindi isauli.

23. Magpautang ka kung nakahanda ang kalooban mo na hindi ka bayaran.

24. Laging sabihan ang mga anak ng mga bagay na ikagagalak ng kanilang kalooban. Mayroon akong kakilala, lagi siyang “minamarder” ng kanyang ina noong bata pa. Lagi na lang ipinamumukha sa kanya na pahirap siya sa kanyang ina. Lumaki ang bata na may lihim na galit sa ina.

25. Irespeto ang “privacy” ng mga anak. Kung ayaw kang i-add sa Facebook, hayaan na lang. 

(Itutuloy)

Show comments