^

Punto Mo

Pergalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINAMANTALA ng financiers ng pergalan na matatagpuan sa Divisoria, Manila ang pagkaabala ng kapulisan ng NCRPO at MPD sa security ng Feast of Black Nazarene at pagdating ni Pope Francis at nagbukas ng ilang lamesang color games. Baka magalit si Pope Francis sa pergalan dahil matatagpuan ito malapit sa simbahan sa Divisoria at ang naka-poste ay sina Resty, Danny at Joel. Ang pergalan ay matatagpuan sa sakop ni Supt. Jackson Tuliao, ang hepe ng Station 2 ng MPD. Baka tulog itong si Tuliao nang magbanta si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria na ire-relieve niya ang mga station commanders na magbubukas ng color games sa area nila. Boom Panes! Bakit matapang si Tuliao na suwayin ang kautusan ni Valmoria? ’Yan ang tanong! Hehehe! Baka me kinalaman sa pagiging role ni Tuliao para bigyan ng “kabuhayan” ang NCRPO sa illegal gambling sa Manila, di ba mga kosa!

Sana tularan ni Tuliao si Sr. Supt. Sidney Hernia, ang bagong hepe ng pulisya ng Pasay City, na kung tawagin ng mga kosa ko ay “action man.” Matapos ko kasing punahin ang pergalan sa Libertad St. at sa likod ng palengke, kaagad na kumilos si Hernia at pina-raid ang mga ito at sa ngayon ay sarado na. Hindi pa nasiyahan si Hernia at nagsagawa ito ng “Oplan Galugad” sa palibot ng palengke at marami ang nasabat na may criminal records. Hehehe! Si Hernia ang kauna-unahang hepe na nagsagawa ng “Oplan Galugad” sa Pasay, ayon sa mga natuwang kosa ko. Hehehe! Baka mahalata na PR ang dating ko nito ah! Tiyak ’yun!

Kaya hindi ko maiwasan na ihambing si Hernia sa mistah niya na si Cavite provincial director Sr. Supt. Jonnel Estomo. Parehas na miyembro ng PMA Class ’92 sina Hernia at Estomo. Ang kaibahan lang, kung si Hernia ay action agad sa mga puna sa liderato n’ya, si Estomo ay mabagal pa sa pagong kung kumilos. Halos dalawang buwan ko na kasing ipinararating kay Estomo ang naglipanang pergalan nina Tessie Rosales, Jessica at Sonny Atienza sa Cavite subalit walang action si Estomo hanggang sa ngayon. Imbes, nadagdagan pa ang mga pergalan sa Cavite dahil nagbukas si Nenita sa Langkaan, Dasmariñas; kay Lito sa San Jose, GMA; Malou sa Mary Chris Subdivision sa Gen. Trias at maging sa Pasong Buwaya sa Imus at ang kay Aleng Tessie uli sa Puregold sa Imus din. Boom Panes! Kaya sa ngayon, malaking pitsa ang iniakyat ni SPO2 Bernard Camposanto kay Estomo. Kung si Hernia ay “action man”, si Estomo ay “pitsa man?” Hehehe! Anong say n’yo mga kosa?

Maging si Calabarzon police chief Dir. Jess Gatchalian ay umamin na talamak na ang pasugalan, hindi lang sa Cavite kundi maging sa Batangas. Kaya maraming hepe ng mga bayan sa naturang mga probinsiya ang masisibak hindi lang dahil sa illegal gambling kundi maging sa hindi pagpasa ng rating system ng PNP. Hehehe! Kung kelan magreretiro na saka umamin si Gatchalian na laganap ang pasugalan sa Calabarzon. Kung sabagay, may kasabihan tayong “better late than never,” di ba mga kosa! Sana gayahin ni Tuliao si Hernia at hindi si Estomo dito sa kampanya ni Valmoria laban sa color games. Abangan!

vuukle comment

BOOM PANES

CAVITE

ESTOMO

HEHEHE

HERNIA

KAYA

OPLAN GALUGAD

TULIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with