^

Punto Mo

Basta’t matiyaga…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…may mami na mahihigop.

ISINILANG siya sa Guandong, China at nagtatrabaho bilang grade school teacher nang magdesisyong lisanin ang bayang sinilangan upang maghanap ng mas magandang kapalaran sa ibang bansa. Nais niyang lumayo sa kanilang bansa upang magpalipas ng sakit ng kalooban dulot ng kabiguan sa pag-ibig. Umibig siya sa mayamang Cantonese ngunit hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-iibigang iyon dahil mahirap lang siya. Noong panahon pa namang iyon ay isang napakalaking mortal sin na magpakasal ang mayamang Intsik sa mahirap na Intsik.

Kaya’t noong 1918 ay napadpad ang Tsinong si Ma Mon Luk sa Pilipinas na walang bitbit kundi lakas ng loob at kaunting pera. Upang hindi tuluyang maubos ang kanyang pera, pinuhunan niya ito sa paggawa ng egg noodle na natutuhan niya sa kanilang bayan. Tuwing umaga ay pamilyar na ang kanyang mukha sa mga kalye ng Maynila dahil inilalako niya ang kanyang egg noodle. Nakasukbit sa kanyang balikat ang mahaba at malapad na kawayan kung saan nakasabit ang lalagyan ng egg noodles at hinimay na laman ng nilagang manok­. Sa isang dulo ng kawayan ay nakasabit naman ang isang kalderong may laman­ na sabaw na pinaglagaan ng manok. May nagbabagang uling sa ilalim na kaldero upang manatiling mainit ang sabaw. Masyadong mahaba ang noodles kaya’t may baon nang gunting si Ma Mon Luk para panggupit dito bago i-serve ang noodle na may sabaw sa kostumer. Ang hinimay na manok ay kanya rin ginugupit. Palibhasa ay bagong konsepto ito sa mga Pilipino—noodles na may halong manok at nakalutang sa sabaw—tinawag nila itong “gupit” dahil ginugupit muna ang noodles at manok bago isilbi sa kostumer.

Karamihan sa mga suki ni Ma Mon Luk ay mga estudyante. Habang nagbebenta ng kanyang “gupit” ay may kasama pa itong magagandang kuwento tungkol sa China kaya naman aliw na aliw ang kanyang mga suki. Nang magtagal ay nagtayo na siya ng restaurant sa Binondo at ang gupit ay may kapartner nang siopao na may masarap na sauce. Pero hindi pa rin siya tumigil sa paglalako ng gupit dahil sa pamamagitan ng kanyang paglalako ay naiaanunsiyo niya sa kanyang mga kostumer na may puwesto na siya sa Binondo.

Ang Ma Mon Luk restaurant ay naging “iconic Chinese Restaurant”. Walang opisyal na rekord kung saan o sino ang nagpasimula ng salitang mami. Magkaganoon pa man, nagsimulang magsulputan ang mga restaurant na nanggaya sa siopao at mami.

Ang aral na idinulot ni Ma Mon Luk: Walang imposible sa matitiyaga, maparaan at mahusay makisama. (Source: Wikipedia)

ANG MA MON LUK

BINONDO

CHINESE RESTAURANT

GUANDONG

INTSIK

KANYANG

MA MON LUK

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with