^

Punto Mo

Gymnast sa China, target makuha ang world record sa pagtalon gamit ang puwit

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG butt skipping o pagtalon gamit ang puwet, ay katulad din ng jumping rope kung saan kailangang tuma­lon para malakdawan ang lubid. Ang pinagkaiba lang nito, sa halip na mga binti, ang puwit ang kailangang gamitin upang makalundag.

Hindi masyadong kilala ang butt skipping pero ito ang sport kung saan gustong magka-world record ng 20-anyos na gymnastics expert na si Yi Zhihua. Gusto niyang mahigitan ang world record na naitala ng taga-Japan noong 2006.

Isang Chinese at estudyante ng Chongqing University si Yi. Nalaman niya ang tungkol sa butt skipping nang minsang mapanood niya ang isang video ng kasalukuyang world record holder sa nasabing sport. Naengganyo si Yi at ngayon ay target niyang makuha ang world record sa pagtalon gamit ang puwit.

Ito ang dahilan kung bakit puspusan ngayon ang ginagawang pagsasanay ni Yi. Nagagawa na niyang lumundag ng 152 beses gamit ang kanyang puwit kada minuto kaya naniniwala siyang kaunting ensayo na lang ang kanyang kailangan upang malampasan ang world record na 166 na beses na paglundag na nagawa ng Hapones.

Dahil sa kanyang determinasyon na makuha ang world record para sa isang kakaibang sport, sumisikat na rin ngayon si Yi. Nagi-ging panauhin na siya ng mga prog­rama sa telebisyon sa China at nagiging celebri­ty na rin siya sa mga social networking sites doon.

CHONGQING UNIVERSITY

DAHIL

HAPONES

ISANG CHINESE

NAENGGANYO

NAGAGAWA

NAGI

YI ZHIHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with