^

Punto Mo

Bampira

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

ANG isang alamat ng bampira ay gumamit pa ng tauhan mula sa Bibliya. At ang bersiyon na ito ang bihirang marinig ng mga tao.

Matapos patayin ni Cain si Abel ay bigla na lang siyang nawalang parang bula. Si Cain pala ay naging palaboy hanggang nakarating siya sa Red Sea. Dito ay nakilala niya si Lilith na sinasabing kauna-unahang asawa ni Adan. Pinalalabas ng alamat na pangalawang asawa lang pala si Eba.

Nagsama sina Lilith at Cain. Ang mga anak nila ang sina­sabing pinagmulan ng mga lahing demonyo at mga bampira ng buong mundo. Ang karakter na Lilith ay nabanggit  sa Jewish apocrypha. Ito ay isang librong naglalaman ng mga artikulo tungkol sa Jewish religion. Sina Cain at Lilith ay nabanggit sa tulang epiko ng Beowulf.

May lumabas na teorya na si Judas ang ninuno ng mga bampira. Ang ilan sa palatandaan ng pagiging bampira ay pula ang buhok at ayaw sa mga bagay na yari sa pilak. Ang isang paraan ng pagpatay sa bampira ay pagbaon ng matulis na metal sa kanyang puso, bibig, tenga at mata. Si Judas ay pula ang buhok. Noong una ay tinanggap niya ang 30 pilak bilang kapalit ng pagpapahamak niya kay Jesus. Ngunit nang makonsensiya ay nasuklam din siya sa hawak na pilak at ito ay kanyang itinapon saka nagpakamatay. Sinasabi rin sa alamat ng bampira na ang taong nagpakamatay ay muling mabubuhay bilang bampira.

Anu’t anuman, patuloy tayong inaaliw ng mga kuwentong bampira na sa paglipas ng panahon ay lalong nagiging makulay at exciting sa halip na nakakatakot, dahil ibinabagay ng mga manunulat sa takbo ng makabagong panahon.

ADAN

ANU

BAMPIRA

LAST PART

RED SEA

SI CAIN

SI JUDAS

SINA CAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with