^

Punto Mo

Ano ba ang Pasko?

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Ano ba ang Pasko? Ito ay tradisyon

na kumikilala sa ‘ting Panginoon;

Siya’y isinilang nang unang panahon

sa isang sabsabang halos walang bubong!

 

Pangyayaring ito ay naglalarawang

dukha ay dakila kaysa mayayaman;

At ito’y totoo sa ating lipunan

ang Batang Mesiyas ay dukhang nilalang!

 

Kung ang Batang Hesus isinilang noon

sa isang palasyo at marangyang mansion;

Tayo’y hindi bilib pagka’t mali iyon

sapagka’t ang Diyos dukhang Panginoon!

 

Ang Batang si Hesus na dinadakila

ay batang mayaman sa pera’y sagana;

Mabubuhay Siya na lubhang marangya -

wala tayong Pasko na para sa dukha!

ANG BATANG

ANO

BATANG HESUS

BATANG MESIYAS

DIYOS

HESUS

MABUBUHAY SIYA

PANGINOON

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with