Manong Wen (153)

PATI si Jo ay humanga sa kagandahan ni Precious. Pinagmasdan niya ito.

“Kakaiba nga ang ganda ni Precious. Para siyang artista. Siguro kung may makakakita sa kanyang producer baka kunin siyang artista.’’

“Kaya nga nag-aalala ako para sa kanya. Masyadong pansinin ang beauty.’’

‘‘Huwag ka nang ma­ngamba at wala na naman ang sindikato.’’

“Sana nga wala nang magtangka sa mga kabataang babae. Dapat kasi binibitay na ang mga kid­naper para wala nang masasama sa mundong ito.’’

“Wala nang bitay ngayon kaya marami ang gumagawa ng masama.’’

Maya-maya, may iti­nanong si Princess.

“Siyanga pala, Jo, kailan tayo uuwi sa probinsiya. Nag-aalala na rin ako sa aming bahay dun. Malay mo baka may nag-akyat-bahay. At isa pa, inaalala ko rin ang aking pag-aaral at ganundin kay Precious. Marami na akong absent. Baka hindi ako maka-graduate next year.’’

“Kailan mo gustong umuwi?­’’

“Bukas na sana. Tutal wala na naman tayong ipaliliwanag sa mga pulis di ba? Napatay na ang leader ng Chester kidnapping group.’’

“Tatanggapin pa raw natin ang reward sa pagkakalansag sa grupo. Alam mo kung magkano ang reward, Princess?’’

“Magkano?’’

“One million pesos!’’

“Wow ang laki pala!’’

‘‘Kasi’y matagal nang pi­naghahanap ng batas ang Chester kidnapping group. Nagpatung-patong na ang pabuya.’’

“Kapag natanggap natin ang pabuya puwede ko nang matapos ang pag-aaral ko. Hindi na ako aasa sa’yo Jo. Hiyang-hiya na ako sa’yo. Makakatindig na ako sa sa­riling mga paa. At kapag nakatapos ako, mayroon pa akong puhunan para sa aking Bibingka business. Mapapaunlad ko na siguro ang business ko.’’

“Matutupad lahat nang pangarap mo. Tutulungan kita, Princess.’’

“Salamat Jo.’’

“Kapag nakatapos ka ng course mo, puwede na ta­yong magpakasal ano?’’

“Oo. Yun talaga ang ba­lak­ ko, Jo. Kapag nakatapos na ako, pakasal na tayo.’’

“Hindi ka nagbibiro Princess?’’

“Ba’t naman ako magbibiro? Ikaw pa ang biruin ko e ang dami mo nang na­itulong sa amin ni Precious. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung saan na kami pinulot ni Precious. Siguro nga, tuwang-tuwa si Tatay saan man siya naroon ngayon.’’

“Hindi kaya nagagalit si Manong Wen at ikaw ang niligawan ko at pakakasalan para maging kabiyak habambuhay?’’

“Matutuwa pa nga yun, Jo. Nakatitiyak kasi siya na ang kanyang anak ay mapupunta sa isang mahusay, mabait at mapagkakatiwalaang lalaki.’’

Sa sobrang tuwa ni Jo ay pinupog niya ng halik si Princess. Hanggang sa mag­lapat ang kanilang mga labi.

(Itutuloy)

Show comments