Trahedya sa lansangan pwedeng maiwasan, kung hindi pasaway
Sunud-sunod ang mga aksidente sa lansangan sa mga nakalipas na araw.
At gaya nang dati na nating ibinababala, karamihan sa mga insidenteng ito eh lumalabas na human error.
Hindi ang sasakyan ang may diprensya, na madalas na idinadahilan, kundi ang mismong driver.
At ilan sa dahilan ay ang pagmamaneho ng lasing.
Ngayong holiday seasons, kung saan kabi-kabila ang mga kasiyahan at mga party na dinadaluhan ng marami nating kababayan, kaya halos gabi-gabi ang naitatalang aksidente sa lansangan.
Nandyan ang kainan, ang iba hindi mapigilan ang sarili na hindi uminom kahit alam pa nilang may dala silang mga sasakyan. Ayun, aksidente ang dulot.
Hindi lang ito nangyayari sa Metro Manila, kundi maging sa mga lalawigan.
Ang malungkot magtatapos ang taon, maraming buhay ang nadadamay sa mga ganitong uri ng pasaway na driver.
Kung hindi lasing nakatulog ang driver habang nasa manibela.
Ito ang madalas ngayong nagiging sanhi ng trahedya sa lansangan na sana ay lubhang mabantayan.
Ang iba naman, kaskasero, hindi malaman kung ano ang hinahabol kaya bara-bara sa daan.
Magtatapos ang taon, ibayong pag-iingat ang kailangan sa mga nasa lansangan.
Hindi lang para sa inyong sarili, sa inyong pamilya at maging sa maaaring madamay sa inyong pagiging pasaway.
- Latest