Manong Wen (152)

“SI Precious ang duma­ting!’’

Nakahinga nang ma­luwag si Princess. Agad na sumugod sa pintuan para salubungin si Precious. Nasa likuran niya si Jo.

Pumasok si Precious. Nakangiti ito sa kapatid.

“Saan ka nagpunta, Precious?” tanong ni Princess.

“May binili lang ako sa convenient store Ate. Saglit lang ako roon. Siguro pag-alis ko, saka naman kayo dumating.’’

“Anong binili mo?”

“Ice cream Ate.’’

“Nag-alala kasi ako dahil uso nga ang pangingidnap ngayon. Ang ganda mo naman­.’’

“Ano nga palang nangyari sa inyong lakad, Ate?”

“Tagumpay Precious. Nagbayad na rin ang lider ng kidnapping group na may kagagawan sa pagkidnap sa iyo.’’

“Napatay na yung lider na si Chester?”

“Oo. Wala na siya.’’

“Paano siya namatay Ate?”

“Si Jo ang nakasaksi.’’
Ikinuwento ni Jo ang mga nangyari.

Shock si Precious.

“Ang ginawa niyang bitag ang pumatay sa kanya. Malagim ang nangyari kay Chester.’’

“Kung ganoon, wala nang mangingidnap ng mga dalagita. Salamat naman.’’

“Pero dapat pa ring mag-ingat kahit wala na ang Chester kidnapping group. Lalo na ang katulad mong maganda, Precious. Sa panahon ngayon, kaila­ngang maging alerto at huwag magpapa­gabi sa kalye.’’

“Mag-iingat ako Kuya Jo.’’

“Kasi’y hindi lamang ang grupo ni Chester ang nag-ooperate ngayon. Marami pa ring grupo ang may masamang tangka sa mga kababa­ihan. Yung iba ang trip ay ginagahasa lamang ang babae at saka iiwan sa isang lugar.’’

Nahintakutan si Precious.

“Kaya nga kanina nang dumating kami at wala ka, nag-worry ako. Baka kung ano na ang nangyari sa’yo.’’

“Salamat sa pag-aalala mo Ate.’’

“Kasi nga’y ang ganda mo Precious. Marami ang magtatangka sa’yo dahil kakaiba ang beauty mo.’’

“Lagi akong mag-iingat.’’

(Itutuloy)

Show comments