ISANG ma-ngingisda ang nakapagtala ng isang world record matapos niyang mahuli ang isang pa-ting na 15 talampakan ang haba at may bigat na 565 kilo gamit lamang ang isang pamingwit.
Nahuli ni Joel Abrahammsson, 33, ang pating sa may baybayin ng Norway. Ang pating na nahuli ni Joel ang pinakamabigat na nahuli ng isang mangingisda na gamit lamang ang pamingwit habang sakay ng maliit na kayak.
Pinaghandaan ni Joel ang paghuli nang malalaking isda sa pamamagitan ng pag-eensayo gamit ang mabibigat na bloke ng semento. Binubuhat niya ang mga bloke ng semento na may bigat na 60 pounds papunta sa ilalim ng isang lawa. Pagkatapos lumubog sa tubig ang bawat bloke ay iaahon naman niya isa-isa ang mga ito gamit ang isang pamingwit.
Gumamit si Joel ng apat na kilong isda bilang pain sa pating. Ibinaba niya ang pain sa tubig na may lalim na 1,600 talampakan, kung saan madalas naglalagi ang mga pating sa baybayin ng Norway.
Inabot ng 90 minuto bago tuluyang nahuli ni Joel ang pa-ting na ayon sa mga pagsusuri ay nasa 200 taon na ang tanda.
Ang mga pating na naninirahan malapit sa Norway ay karaniwang kumakain ng ibang isda pero minsan ay sinasa-lakay rin nito ang mga hayop sa lupa na napapalapit sa tubig katulad ng mga polar bear, kabayo, at reindeer.