Manong Wen (145)

NARINIG nina Princess ang sigaw ni Jo pero hindi niya matiyak kung sino iyon. Duda si Princess kung kilala niya ang sumisigaw. Hindi niya mabosesan dahil nag-e-echo ang boses.

“Sino po kaya ang tumatawag, Ate Princess?’’ tanong ni Britney.

“Hindi ko sigurado kung sino ’yun, Britney.’’

“Hindi po kaya kaaway ’yun?’’

“Hindi ko alam. Bilisan natin ang paglalakad para makarating sa bunganga ng lagusan. Palagay ko malapit na tayo.’’

“Palagay ko nga rin po.’’

Pero habang naglalakad sila ay wala pa ring tigil ang pagsigaw ni Jo kay Princess. Palakas nang palakas ang sigaw. Ibig sabihin, malapit na ito sa kinaroroonan nila.

Isang malakas na sigaw pa ang pinawalan ni Jo.

Hanggang sa makilala ni Princess ang boses ni Jo. Hindi siya maaaring magkamali.

“Si Jo ang tumatawag! Si Jo ’yun!”

“Sino pong Jo, Ate Princess?” tanong ni Britney.

“Boyfriend ko, Britney. Siya ang katulong ko sa paghahanap sa inyo. Malaki rin ang naging hirap niya para kayo mapalaya. Siya ang nagturo sa akin ng mga gagawin kung paano bubuksan ang kandado ng inyong kulungan. Mabait siya! Walang kasingbait.”

“E di hintayin na po natin siya Ate Princesss para may katulong tayo sa pagtakas.’’

“Sige, hintayin na natin si Jo rito. Mabuti nang kasama natin siya.”

Tumigil sina Princess.

Nang muling sumigaw si Jo, nagpakilala na siya.

“Princess, si Jo ito. Nobyo mo. I love you Princess. Hintayin n’yo ako.”

“Jo I love you too. Hihintayin ka namin dito. Mag-ingat ka Jo.”

“Salamat, Princess.’’

Nagmamadali si Jo sa pagtakbo.

(Itutuloy)

Show comments