^

Punto Mo

Manong Wen (143)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABILIS ang ginawang paglalakad ni Jo. Pinili niya ang deretsong daan ng tunnel. Malakas ang kutob niya na doon nagdaan sina Princess. Nakakita rin siya ng mga bakas ng sapatos at paa sa semento. Maalikabok na palatandaang may mga nagdaan.

Tumakbo na siya para maabot sina Princess. Kinabahan siya na baka may mga tauhan pa si Dexter na nag-aabang sa dulo ng tunnel. Baka naghihintay doon ang iba pang mga tapat na tauhan at pagbabarilin sina Princess. Wala silang kalaban-laban sa mga tauhan ni Chester na pawang mamamatay-tao.

Hanggang sa matanaw ni Jo ang malaking pintuan na noon ay unti-unti nang nagsasara.

Halos isang tao na lamang ang awang ng pinto at magsasara na ito. Kapag nagsara iyon, hindi na makakalabas si Jo. May kumbinasyong numero ang pinto para mabuksan. At ang nakaaalam niyon ay si Britney ang dalagitang kasama ni Princess sa pagtakas.

Buong bilis na nagtatakbo si Jo para makarating sa pinto na noon ay unti-unti nang nagsasara!

Samantala, narating na nina Princess ang dulo ng lagusan. Nakakita na sila ng liwanag na naglalagos.

“Makakalabas na tayo rito. Malapit na! May nakikita akong liwanag!”

Karamihan sa mga dalagita ay halos hirap na hirap na sa pagod. May napasa­lampak na sa semento dahil sa kapaguran. Parang wala nang lakas.

Pero matatag si Princess. Pinalakas ang loob ng mga dalagita.

“Ngayon pa ba kayo susuko na isang dipa na lang at malaya na tayo? Kaunting tiis na lang at makakalabas na tayo.’’

Humihingal ang mga dalagita sa pagod.

Hanggang isang dalagita ang nagsisigaw.

“Eeeeee!” (Itutuloy)

vuukle comment

BRITNEY

BUONG

EEEEEE

HANGGANG

HUMIHINGAL

ITUTULOY

KAPAG

NAKAKITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with