Mga Kakaibang ‘Insurance Claim’

Hinigop ng ‘something’ ang iPhone

ISANG gabi habang umuulan, nanganak ang alagang baka ni Ivor Bennett, isang livestock farmer sa Devon UK. Nawawala ang kanyang flashlight kaya ang ginamit niya ay ang torch ng kanyang iPhone habang umiire ang inang baka. Nakaraos nang maluwalhati ang dakilang inang baka. Sa kaeksaytedan ni Ivor na may bago siyang baby baka, nakalimutan niya sandali ang kanyang iPhone. Hindi na niya maalaala kung saan niya naipatong dahil nagulat siya nang lumutang ang sanggol na baka. Hinanap niya ito sa lugar na pinag-anakan ng baka ngunit wala doon ang iPhone.

Kinabukasan ay inulit niya ang paghahanap. Muli siyang bumalik sa kulungan ng baka nang biglang natigilan siya… napatitig sa nakatumpok na ebs na may kahalong ihi ng baka. Ang iPhone niya!!!... nakalutang sa mainit-init pang ebs. Dinampot niya ito, pinatunog…ngunit ayaw gumana. Ang hinala ng magsasaka, hinigop ng puwet o ng puerta ng baka ang cellphone at pagkatapos ay inilabas din kasama ng ihi o ebs. Nasira ang iPhone. Nag-file ng insu-rance claim si Ivor. Salamat naman at binayaran siya ng insurance company.

 

Show comments