^

Punto Mo

Ballpen

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG may-ari ng malaking tindahan ng school supplies ang nakumbise ng ahente ng ballpen na umorder sa kanya ng isanlibong piraso. Inilatag kasi nang buong linaw ang magagandang specifications ng ballpen. Ngunit nang isinusulat na ng ahente sa order form ang ballpen na inorder, biglang sumigaw ang may-ari ng tindahan.

“Stop!” sabi nito sa ahente

“Bakit ho?” tanong ng ahente

“Basta, nagbago ang isip ko, sorry…”

Umalis ang ahente na iiling-iling. Takang-taka siya sa big­laang pagbabago ng isip ng may-ari ng tindahan.

Samantala balikan natin ang may-ari ng tindahan. Tinanong siya ng kanyang assistant.

“Boss bakit hindi mo itinuloy ang pagbili ng ballpen sa ahente? Wala na tayong stock ng ballpen.”

“Hindi mo ba nakita? Ahente siya ng ballpen pero ang ginagamit niyang pansulat sa order form ay lapis? Halos isang oras niya akong kinumbinsi kung gaano kaganda ang kanyang produkto pero siya mismo ay hindi gumagamit ng ibinebenta niyang produkto. Wala akong tiwala sa ganoong tao. Ang dapat – practice what you preach.

AHENTE

BAKIT

BALLPEN

INILATAG

NGUNIT

SAMANTALA

TAKANG

TINANONG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with