^

Punto Mo

Buti pa si Ruby

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI naipasara ng mag-among Cavite PD Sr. Supt. Jonnel­ Estomo at Caloy Co­lan­ding ang pergalan nina Tessie­ Rosales, Jessica at Sonny Atienza­, subalit sa kalikasan sarado sila. Halos dalawang araw kasing binayo ng Bagyong Ruby, hindi lang ang Cavite, kundi maging ang iba pang bahagi ng bansa, kaya walang nagawa ang pergalan operators kundi itiklop ang illegal na negosyo nila dahil hindi lumabas ng bahay ang mga kliyente nila. Hehehe! Epektib pa pala ang bagyo kaysa mga pulis, ano mga kosa? Kaya dahil sa Bagyong Ruby, lugi sa intelihensiya sa linggong ito itong sina Aleng Tessie, Jessica at Sonny dahil dalawang araw ang nawala sa kanila. Maaring magmakaawa sila kay Caloy at sa mga tropa nito na bawasan konti ang lingguhang obligasyon nila subalit malaki ang posibilidad na hindi sila pagbibigyan ng mga ito dahil mag-aabono sila. ‘Ika nga, mababawasan ang take-home pay ni Caloy at kapwa niya tong collector. Boom Panes!

Sa totoo lang, di ko naman pini-personal si Estomo. Aksidente lang na siya ang pumalit kay Sr. Supt. Joselito Esquivel na matagal ko ring pinuna ukol sa ilegal na peryahan na nagkalat sa Cavite. Kaibigan ang turing ko kay Estomo dahil ilang beses ding nagkrus ang aming landas noong sa CIDG pa siya naka-assign. Ang akala ko, sa pagdapo ni Estomo sa Cavite, matutuluyan nang maisara ang mga pergalan nina Aleng Tessie, Jessica at Sonny subalit nagkamali ako. Nasilaw si Estomo sa kinang ng pitsa nina Aleng Tessie, Jessica at Sonny at dahil din siguro sa impluwensiya ni Caloy? T’yak ‘yun!

Kung sabagay, hindi dapat sisihin mga kosa si Estomo kung bakit hindi niya maikumpas ang kamay na bakal laban sa pergalan ope­rators sa area niya. Pag nagkataon kasi, marami ang maaapektuhan, kabilang na ang mga kaibigan ni Estomo na mga tong collector din ng CIDG, GAB, NBI, at iba pang operating units ng PNP. Marami kasing gastusin ngayong Pasko at itong mga pergalan nina Aleng Tessie, Jessica at Sonny ang sinasandalan ni Caloy at iba pang tong collectors para magiging masaya ang Chrismas party ng mga amo at bataan nila. Get’s n’yo mga kosa? At hindi lang ‘yan! Kapag nagsara ang mga pergalan, mag-aabono si Caloy at mga kasamahan n’yang tong collectors dahil karamihan sa kanila, binili ang lingguhang intelihensiya­ ng mga amo nila. Boom Panes! Hehehe! Ang ligtas lang sa abono ay si alyas Dodjie na ini-advance na hanggang katapusan ng buwan ng payola ng amo n’ya na si Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian. Mismo!

Subalit maaga pa para magsaya ang mga pergalan operators dahil sa ayaw at gusto nila mapapalitan si Gatchalian. Ang ugong sa Crame ang PRO4-A ay toss-up na sa mag-mistah na sina Chief Supt. Richard Albano at Nap Taas. Si Albano ay bitbit ng Iglesia ni Cristo subalit hinaharang siya ni DILG Sec. Mar Roxas. Si Taas, ang natitirang West Point graduate sa PNP, ay mabango kina Roxas at PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Kung sino man ang uupo kina Albano at Taas, tiyak may paglalagyan ang pergalan financiers, hindi lang sa Cavite, kundi sa buong Calabarzon. At sa pagkakataong ito, pulis na ang magpapasara ng illegal na negosyo nila at hindi na ang bagyo. Abangan!

ALENG TESSIE

BAGYONG RUBY

BOOM PANES

CALOY

CAVITE

CHIEF SUPT

ESTOMO

JESSICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with