^

Punto Mo

Asong pinakamabilis tumakbo gamit lamang ang 2 paa, nasa Amerika

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINANGHAL ang isang aso sa Amerika ng Guinness Book of World Records bilang pinakamabilis tumakbo sa buong mundo gamit lamang ang dalawang paa.

Ang aso ay isang Pomeranian na nagngangalang Jiff. Tinanghal itong world record holder matapos tumakbo ng 10 metro gamit lamang ang dalawang paa sa hulihan sa loob lamang ng 6.56 na segundo. Nagawa rin niyang makakuha ng isang pang world record dahil sa kakayahan niyang tumakbo ng layong 5 metro gamit naman ang dalawang paa sa harapan sa loob lamang ng 7.76 segundo.

Bukod sa paglalakad gamit lamang ang dalawang paa ay marunong ding mag-skateboard, makipagkamay, at pati mag-autograph ang Pomeranian na si Jiff.

Bago pa man niya nakuha ang mga world record na ito ay matagal nang sikat si Jiff. Sa katunayan, fan na niya ang mga celebrity na katulad ni Katy Perry na natutuwa sa kanya dahil sa mala-stuffed toy niyang itsura. May sarili rin siyang negosyo na nagbebenta ng mga damit para sa mga katulad niyang alagang aso.

Dahil sa pagsikat ni Jiff, nagpasya na ang kanyang mga amo na dalhin siya sa Holly­wood upang mas ma­pakinabangan ang kanyang mga kakaibang kakayahan.

AMERIKA

BUKOD

DAHIL

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

KATY PERRY

LAMANG

NAGAWA

TINANGHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with