^

Punto Mo

Ingat-ingat sa ipino-post sa social networking site

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May babala ang PNP, lalu na sa mga mahilig mag-post sa mga social networking site.

Mag-ingat lang daw sa mga ipino-post dahil dito sa hi -tech na rin ang mga kriminal at kawatan at dito na rin kumukuha ng impormasyon sa kanilang bibiktimahin.

Mahilig kasi ang Pinoy na konting kibot ay ilalagay sa social networking tulad ng Facebook.

Pero, ayon sa PNP laging isipin na hindi lahat ng personal na bagay   ay dapat ilatag sa publiko o sa social networking site.

At dahil na sa hi-tech na rin maging ang mga kriminal at kawatan at dito sila ngayon nakatutok lalu na nga yung walang private  security settings o nakadelantara sa lahat.

Ang babala ay kasunod nang natuklasan na  ilang sindikato ng kidnap for ransom ang nanga­ngalap ng mga impormasyon sa  Facebook o social networking websites sa pwede nilang biktima.

Maging ang bawat galaw o patutunguhan ng kanilang bibiktimahin ay nakukuha nila sa social networking site.

Nasa lima ang kaso ng kidnapping ang naitala ng PNP na may kaugnayan sa Facebook.

Kaya nga ang kanilang payo kontrolin at limitahan ang mga ipinopost sa kanilang Facebook, Twitter at iba social networking websites.

Hanggat maaari huwag na raw ipost ang  mga taglay na yaman, mga ari-arian o lifestyle maging  kung saan-saan kayo nagtutungo kaya nagkakaroon ng ideya at impormasyon ang mga kriminal para kayo pag-interesan.

Kailangan din na i-secure ang kanilang social media accounts sa private security settings para malimitahan at hindi makita ng kung sinu-sino ang mga ipinopost ninyo.

Tandaan marami na ang napahamak sa ganitong social networking sites kaya kaila­ngan ang masusing pag-iingat.

FACEBOOK

HANGGAT

KAILANGAN

KAYA

MAHILIG

NETWORKING

SOCIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with