Pergalan

KAUUPO lang ni Cavite provincial director Sr. Supt. Junel Estomo noong Nobyembre 14 subalit kinabukasan mismo ay kausap na ni Caloy Colanding at Ronald ang mga financiers ng pergalan at pasugalan ng probinsiya. Ang meeting ay ginanap sa McDonald food chain sa St. Dominic sa Bacoor bandang alas 3:30 ng hapon. Siyempre, ang pakay ni Caloy ay ihirit ang weekly payola ni Estomo. Ang balita sa Cavite sa nayon, ay nagbigay na ng P100,000 na goodwill kay Estomo si Caloy. At dahil nga sa goodwill na ito, malamang wala nang kakayahan itong mag-among Estomo at Caloy na ipasara ang puesto-piho na pergalan ni Tessie Rosales sa palengke ng Silang, ang kay Jessica sa Salitran at stoplight sa Dasmariñas at ang kay Sonny Atienza sa pelengke ng Naic. T’yak ‘yun! Totoo ba na nabili ng tropa ni Caloy ang weekly payola ni Estomo sa halagang P150,000? Boom Panes! Hehehe! Hindi pa nga uminit ang puwetan ni Estomo sa puesto  eh pitsa kaagad ang pinagkaabalahan. Sana public service muna bago pitsa, di ba mga kosa?

Kung itong pergalan na illegal naman ay hindi maaksiyunan ni Estomo eh tiyak wala rin siyang gagawin kapag kriminalidad na ang pag-uusapan, di ba mga kosa? Eh ang mga pergalan nina Aleng Tessie, Jessica at Sonny ay hindi naman umaalis sa puwesto subalit inililihis ni Estomo ang kanyang paningin laban dito. Paano sa mga malaking krimen, lalong ililihis ni Estomo ang paningin n’ya, di ba mga kosa? At dahil sa nakatanggap na siya ng goodwill kina Aleng Tessie, Jessica at Sonny, lalong walang magamit na dahilan itong si Estomo para ipasara ang color games at drop ball nila. Ang akala kasi ng mga kosa ko, kaya tinalaga ni Dep. Dir. Gen. Marcelo Garbo, ang deputy chief for operations ng PNP ay para magtrabaho, eh hindi pala. Pitsa-pitsa muna bago trabaho, ‘yan kaya ang motto ni Estomo kung itong lakad ni Caloy ang gagawing basehan? Tumpak naman ang ipinarating ni Caloy na wala siyang kakayahang magpasara ng pergalan dahil si Estomo lang ang may mando n’yan. Boom Panes! Noong panahon ni Sr. Supt. Joselito Esquivel ay bagyo itong sina Aleng Tessie, Jessica at Sonny.  Sa liderato ni Estomo kaya, lalong bagyo pa itong tatlong financier ng pergalan? Ang haba naman ng suwerte n’yo mga tsong! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan, di ba mga kosa?

Ito palang si Caloy ang may mando ke Estomo sa lowland ng Cavite samantalang ang bgy. Chairman ng Tanauan, Batangas na si Mike Biscocho ang sa upland. Hehehe! Talo si Biscocho dahil ang kokolektahan n’ya sa upland at sakla lang habang ang sa lowland ay puno ng kahit anong klaseng sugal nina Ronnie Zapote, Perry, Kap Randy at Amy Imus. Boom Panes!

Malakas naman ang paniwala ng mga kosa ko sa Cavite na pulitika ang nasa likod ng pagkasibak kay Esquivel. Ayon sa kanila, si Esquivel ay malapit kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, ang spokesman ni UNA presidential bet Jejomar Binay kaya’t hayun sibak siya. Siyempre, sa pagkasibak ni Esquivel, naitsa puera rin ang bagman niya na si SPO4 Marlon Garcia. Hehehe! Weder-weder lang ‘yan! Abangan!

Show comments