50 Simple Health Tips (2)
8. Uminom ng isang basong tubig tuwing sasakit ang ulo. Dehydration minsan ang dahilan ng migraine.
9. Malaki ang inililiit ng tiyan/bilbil kung iiwasang uminom ng softdrinks at pagkaing mayaman sa asukal.
10. Alamin ang level ng iyong good cholesterol (HDL) at bad cholesterol (LDL) sa katawan. Magtanong sa iyong doctor tungkol dito. Ang objective nito, magkakaroon ka ng educated decisions tungkol sa iyong diet. Para hindi kayo malito kung ano ang tawag sa bad cholesterol, lagi mong alalahanin ang Lechon De Leche (LDL). ‘Yung “H” sa HDL ay Heaven kaya good cholesterol.
11. Maglakad ng 30 minutes araw-araw.
12. Gaano man kasarap ang balat ng manok, tanggalin ito bago lutuin.
13. Kumain ng isda at least once a week.
14. Huwag manigarilyo pagkatapos kumain.
15. Mainam ang kamatis para maiwasan ang prostate cancer.
16. Ang mansanas ay mabuti sa puso.
17. Nakakapagpatibay ng buto ang saging.
18. Proteksiyon laban sa cancer ang Broccoli.
19. Ang Carrots ay mainam sa mata.
20. Pinapaunlad ng isda ang iyong memorya.
21. Pinapatay ng bawang ang bad bacteria.
22. Nagbibigay ng energy ang honey.
23. Nagpapakalma ng nerves ang strawberries.
24. Mainam ang mushrooms sa pagkontrol ng blood pressure.
25. Mainam ang yogurt para hindi magka-ulcer. (Itutuloy)
- Latest