^

Punto Mo

Recipe for love (1)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NOONG Lunes ay nag-taping ako para sa Idol Sa Kusina, karaniwang ginagawa ko tuwing ikalawang Lunes ng buwan. Habang breaktime naisip ko lang, in relation sa mga recipe na sinusunod upang matiyak na successful at masarap ang kalalabasan ng niluluto, naisip ko, maaari rin kaya iyong i-apply pagdating sa pag-ibig at relasyon. Mayroon bang recipe na maaaring sundin upang masiguro ang happily ever after mo? Heto ang mga naisip kong sangkap:

Honesty and Trust. Maging totoo sa lahat ng pagkakataon at laging magsasabi ng katotohanan. Sabi nga nila, trust ang pinakapundasyon ng anumang relasyon – mapa friendship o romantic. Kailangang may tiwala kayo sa isa’t isa. Ito ang pinakamahalaga, subalit ang siya ring pinakamahirap na matamo. Hindi basta-bastang ibinibigay ang tiwala. Trust is something you have to work on to earn.

Communication. Ito ang nagpapa-work out ng relationship. Kailangan ang constant communication o pag-uusap at pakikinig. Hindi lang ito basta-bastang pagsasalita. Kailangang pinakikinggan ninyo at tinatanggap ang mensahe ng isa’t isa.

Friendship. Naniniwala akong ang partner mo ay dapat siya mo ring matalik na kaibigan – if not your bestfriend, one of your closest of friends. Ganito niyo dapat kakilala at pinagkakatiwalaan ang isa’t isa. Dahil kapag nagtagal-tagal at nawala na ang “magic” ng teen-age love, mag-e-evolve ito bilang companionship. Ganito naman ang case sa mga lolo at lola natin.

Time Commitment. Kahit gaano ka ka-busy sa iyong trabaho at ibang mga pinagkakaabalahan, dahil nasa isang committed relationship ka, dapat you will always find time for your partner. Kung gusto naman, maraming paraan. Sabi nga nila di ba, the best gift you could give is time. That is why people feel important when you give and spend time with them.

Compromise. Meet half way. Sa mga pagkakataong totally magkaiba kayo ng gusto, kailangan ninyong isakripisyo ng kaunti ang inyong kagustuhan upang makuha rin ng inyong kapareha ang gusto niya. When you meet half way, you both get what you want, just not the entire thing.

Affection. Ang simpleng pagyakap, paghalik, paghoholding hands at iba pa ay mahalaga sa relationship kahit gaano na kayo katagal nagsasama. At least on a physical level ay maintained ang inyong connection – literal.

DAHIL

GANITO

HABANG

HONESTY AND TRUST

IDOL SA KUSINA

KAILANGANG

SABI

TIME COMMITMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with