^

Punto Mo

‘Dugtungan ng buhay’

- Tony Calvento - Pang-masa

MADALAS nating hilingin ang mga bagay na wala sa ating buhay o mapalitan ng bago ang ating lumang gamit. May iilan namang humihiling na madugtungan ang kanilang buhay.

“Hindi kami nagkasama ng Nanay ko. Pumunta siya kahit saan niya gustong lumakad. Hindi niya ko inintindi… pero ngayon na may sakit siya ako pa rin ang nag-aalaga sa kanya…” wika ni Margaret Fernandez.

Iba’t ibang kwento ang maririnig natin mula sa mga pamilya ng mga pasyenteng patuloy na lumalapit sa programa sa radyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang progra­mang “PUSONG PINOY” ng DWIZ882 KHZ, napapakinggan tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II “Atty. Joy” kasama si Monique Cristobal. Ang ilan sa kanila, may kakaibang istorya kung paano nabago ng pagkakaroon ng sakit ang kanilang relasyon.

 Isa na dito ang kwento ng puto-bumbong vendor na si Margaret Fernandez. Inihihingi niya ng tulong ang ina niyang si Gloria Rosales, 65 taong gulang. Dating namamasukan sa isang malayong kamag-anak sa Pasay City si Gloria. Taga pamalengke siya at taga tuhog ng mga iihawin sa isang restaurant. Kwento ni Margaret, hindi sila nagkasama ng kanyang Nanay at hindi siya lumaki dito. “Unang beses ko po siyang makasama kaya di ko rin alam kung paano ako mag-aadjust,” wika ni Margaret. Galing Bicol, sa Nabua Camarines Sur si Gloria. Ikawalang linggo ng Setyembre ng magbakasyon sa Peñafrancia, tumawag na lang ang kamag-anak nila kung saan tumuloy si Gloria at sinabing nanghihina ito. Hindi na daw nito maigalaw ang kala­hating bahagi ng kanyang katawan. Inakala nila na na mild stroke. “Hindi na niya kaya magbiyahe kaya hinatid siya ng kamag-anak namin,” sabi ni Margaret.

Pagdating sa Parañaque pinasuri siya sa doktor at sumailalim sa laboratoryo. Nakita sa X-ray na blanko na (kulay itim) ang kaliwang bahagi ng baga ng kanyang ina. Nakuha daw ito ni Gloria sa kanyang paninigarilyo mula pa ng dalaga siya.

Nakita ring mataas ang kanyang ‘cholesterol’.  Muling pinasuri si Gloria at nalamang mayroon daw siyang Tuberculosis (TB). Binigyan sila ng mga gamot para sa sakit nito. “Nung una talaga akala nila mild stroke lang. Hindi niya kasi magalaw ang kaliwang braso at binti niya. Di na rin siya maka-ihi…kailangan na lagyan ng diaper,” ani Margaret. Nagdesisyon si Margaret na dalhin sa Pasay General Hospital ang ina at ipa-admit para kahit paano gumaling at lumakas ito. Muling pina-CT Scan at X-Ray si Gloria. Nakitang may mga ‘tumor’ sa kaliwang utak ang kanyang ina na nakuha  niya rin sa paninigarilyo. “Umamin ang nanay ko na paminsan-minsan sumasakit ang ulo niya. Hindi pala yun Mild Stroke kaya pala ‘di niya magalaw ang kaliwang bahagi ng katawan niya dahil apektado na ng mga bukol sa utak,” sabi ni Margaret.

Nagpa-second opinion sila Margaret sa Philippine General Hospital (PGH). Nakita ng Internal Doctor na tumingin na hindi ito bukol. Ito daw ay mga nana sa utak na nakuha sa paninigrilyo ng mahabang taon. “Nakakaisang kaha rin daw ng sigaralyo ang Nanay ko nun,” ani Margaret. Sa ngayon kailangan pang sumailalim sa panibagong laboratory si Gloria at magpatingin sa Neurologist. Ang huling findings kasi ng doktor meron siyang PTB Meningitis. “Sana matulungan niyo kami sa mga laboratoryo na kakailanganin ng aking ina. Masayado pong mahal at ‘di ko kayang hagilapin ang ganung kalaking halaga. Maraming salamat po,” panawagan ni Margaret.

Iba naman ang kwento nitong si Yolanda Medenilla. Pinsan naman niyang si Editha Lamar, 55 taong gulang, dalaga ang inihihingi niya ng tulong sa pagpapagamot nito. Magkapatid ang Nanay ni Editha at Tatay ni Yolanda. Tubong Marinduque ang kanilang pamilya. Kasalukuyang nakatira si Yolanda sa kanyang kapatid sa Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan.  Nagtatrabaho si Editha sa tindahan ng kanyang kapatid. Dalawang taon nakakaraan ng nakaramdam ng pagkirot ng kaliwang dibdib si Editha subalit sinawalang kibo niya ito. Nitong huli, nakaramdam siyang muli ng sakit. Nakapa niyang may maliit na bukol sa kaliwa niyang dibdib. Nagpasama siya kay Yolanda na magpatingin sa Chinese General Hospital. Nay nakita malaking bukol sa kanyang kaliwang dibdib (6cm). Biniopsy ito at nalamang merong Breast Cancer II si Editha. Unang inalis ang bukol niya sa dibdid. Ika-15 ng Hulyo, 2014 tinanggal na ang kaliwa niyang dibdib. Kailangan siya ngayon sumailalim sa Chemotherapy na nagkakahalaga ng  

P206,000 para sa dalawang cycles nito---apat na sessions kada cycle. “Ang pangalawa daw po ang pinakamahal sabi ng doktor,” ani Yolanda.      Dire-diresto dapat ang maging gamutan kay Editha. Kailangan rin niya inumin ang  kanyang  mga oral medicines para tuluyan niyang malabanan ang kanser at tuluyang gumaling. Hindi lang si Editha ang unang nagkaroon ng ganitong uri ng sakit sa kanilang pamilya. “Sabi ng doktor nasa lahi na daw,” sabi ni Yolanda.

“Tanging mga kapatid ni Editha ang sumusuporta sa kanya. Gusto rin makatulong kaya’t nanawagan ako para sa aking pinsan para sa kanyang chemotherapy… salamat po,” wika ni Yolanda.

Ilan lang si Yolanda at  Margaret sa mga pasyente lumalapit sa programang “PUSONG PINOY”.  

“Maraming salamat sa pagtitiwala ninyo sa aming programa hangad namin na kayo’y tulungan sa inyong patuloy na pagpapagaling. Huwag kayong panghinaan ng loob. Nandito kami sa PCSO sa programang PUSONG PINOY para bawasan ang bigat ng inyong karamdaman,” wika ni Atty. Joy.

Mapapakinggan ang kabuuan nila at iba pang lumalapit sa programa tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga sa DWIZ882 KHZ. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th  floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

EDITHA

KANYANG

MARGARET

NIYA

SIYA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with